Nanay na nanay ang dating sa amin ni former Congresswoman Cynthia Villar na kasamang humarap sa entertainment press ang husband niya, si SeÂnator Manny Villar, sa presscon na ibinigay ni Mother Lily Monteverde, na hangang-hanga sa kanÂya kung paano niya nai-raised ang tatlong matatalinong anak sa kabila ng napaka-busy schedule niya. At ngayon, kandidato naman siyang Senador sa May 13 elections.
Hindi naniniwala si Mrs. Villar na nawawalan ng time ang mag-asawa sa isa’t isa. Sabay daw silang umaalis tuwing umaga ni Sen. Manny at magkasama pa rin silang umuuwi sa gabi kahit hindi sila magkasama sa buong araw. Hindi rin sila nag-aaway dahil magbabati rin naman sila. Sacred din sa kanila ang Sundays na magkakasama ang buong faÂmiÂly sa lunch or dinner dahil iyon ang bonding time nila. Dasal ni Mrs. Villar, magawa niyang lahat ang mga ipinangako niya na makapagbigay siya ng more jobs through her livelihood programs.
Siguro, kung lahat ng mga bayan na napupuno ng water lilies ang kanilang mga ilog ay ia-adapt ang livelihood program ni Mrs. Villar, lilinis ang kanilang mga ilog at maraming magkakaroon ng trabaho sa paggawa ng mga basket out of water lilies.
Itutuloy din niya ang bill on OFWs na hindi na-approve noong time ni Sen. Manny.
Labanan ng acting
Huwag ninyong i-miss gabi-gabi ang Mundo Mo’y Akin after ng Indio dahil labanan talaga ng acting lagi sina Jaclyn Jose, Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Alden Richards, Louise delos Reyes, Lauren Young, at Sef Cadayona sa direksyon ni Andoy Ranay. Congratulations kay Jaclyn dahil katatanggap lamang niyang ng Best Supporting Actress Award mula sa FAMAS sa mahusay niyang pagganap sa A Secret Affair ng Viva Films at si Sef, na tumanggap naman ng Best Breakthrough Performance by an Actor sa Gayak mula sa 10th Golden Screen Awards ng Enpress.