Ryza aminadong matagal nag-mature at na-develop ang katawan!
Pumayag na rin si Ryza Cenon na mag-pose ng sexy para sa men’s magazine na FHM.
Cover girl for May 2013 ang naturang Starstruck 2 Female Survivor. Matagal-tagal din nga raw siyang niligawan ng FHM pero hinanda muna ni Ryza ang kanyang sarili.
“Twenty-five years old na ako kaya puwedeng-puwede na,†ngiti pa ni Ryza.
“Ngayon kasi, nasa tamang edad na ako. Saka nagiging daring na rin ako sa mga roles ko sa TV.
“Kaya tama lang ang lahat—it’s about time na rin siguro.â€
Nagsimula ngang magkaroon ng sexy image si Ryza sa GMA drama series na Langit Sa Piling Mo kung saan lumabas siya bilang other woman at nag-pole dancing pa siya.
Nasundan ito ng mga daring roles sa Koreana, Time of My Life at Machete.
Inamin ni Ryza na “late bloomer†siya. Matagal nga raw mag-mature at mag-develop ang katawan niya. Kaya sinigurado niya na may maipapakita siya kapag pumayag na siyang mag-pose for FHM.
“Ngayon lang talaga ako naging confident sa sarili ko.
“I’ve been working out at hilig ko ang sumayaw.
“Dahil nga siguro sa mga ginagawa kong ‘yan, unti-unting nag-develop na ang katawan ko.â€
Si Ryza nga ang ikatlong Starstruck winner na maging cover girl ng FHM. Nauna na rito ay si Jennylyn Mercado at sumunod si Jackie Rice. Parehong twice na ngang naging cover ang dalawang ito ng naturang magazine.
- Latest