Nakakaloka si Senator Chiz Escudero dahil sobrang lalim ang pagsasalita niya sa wikang Tagalog.
Impluwensiya raw yon ng kanyang yaya na mahilig manood ng pelikulang Tagalog noong bagets pa siya.
Tandang-tanda pa ni Papa Chiz ang madalas na panoorin niya, ang mga piling-piÂling pelikulang Pilipino sa Channel 13.
Ginagamit ni Papa Chiz ang salitang kasintahan pero hindi niya knows ang word na tsugi.
Mula nang maging senador si Papa Chiz, ngayon lang niya naranasan na masiraan nang todo.
Tinawag daw siya na addict, babaero, bakla, at kung anik-anik pa. Mabuti na lang, hindi affected si Papa Chiz dahil walang katotohanan ang mga below-the belt na banat sa kanya ng mga magulang ng kanyang kasintahan na si Heart Evangelista.
Box office result ng The Bride…, hindi pa alam ni Mother Lily
Maaga ang presscon para kay Papa Chiz kaya hindi pa alam ni Mother Lily ang box office result ng The Bride and the Lover, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na nagbukas kahapon sa mga sinehan.
Bongga ang trailer ng The Bride and the Lover at holiday kahapon. Walang dahilan para hindi panoorin ng mga tao ang pelikula nina Lovi Poe, Paulo Avelino, at Jennylyn Mercado.
Philpop hindi biro ang ginawang pagpili sa Final 12
Ipinakilala noong Martes ang Final 12 ng Philpop, ang music festival na project ni Papa Manny Pangilinan ng PLDT.
Si Ryan Cayabyab ang punong-abala sa musicfest na nakatanggap ng 3,383 entries pero labinÂdalawa lamang ang pinalad na mapili.
Ang sabi ni Papa Ryan, mind boggling ang pagpili sa Final 12 dahil hindi biro na i-review ang more than three thousand entries. Marami ang puwedeng winners, marami ang potential hits pero isa lamang ang kailangan na manalo.
Mga kilala at respetadong tao ang kabilang sa adjudication panel ng Philpop, mga record label executives, musicians, composers, singers, artists at radio personalities. Sila ang nakatulong ni Papa Ryan sa pagpili sa Final 12 na maligayang-maligaya dahil nakalusot sila sa mahigpit na screening process.
Noong nakaraang taon, ang former Akafellas member na si Karl Villuga ang winner ng first ever Philippine Popular Music Festival. Isang milyong piso ang premyo na napanalunan ni Karl para sa kanyang composition na inawit ni Mark Bautista.
Sa laki ng premyo, marami talaga ang naengÂganyo na sumali sa musicfest na suportado ng Maynilad, Smart, Meralco, PLDT, Resorts World Manila, TV5, Metro Pacific Investements Corporation, NLEX, Sun Cellular, the First Pacific Leadership Academy, KBP, at Philex.