^

Pang Movies

Young actress wala nang pakialam sa hitsura wala pang direksiyon kung kumanta

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang pakialam sa hitsura niya ang isang young actress kapag humaharap siya sa publiko. Walang effort na mag-ayos mula damit, makeup, at estilo ng buhok. Kaya naman nagmumukha siyang ordinaryong tao at ang pagiging mestisa lang ang laban niya sa pangkaraniwang nilalang.

Lalong disappointing ang young actress kapag bumabanat na ng kanta. Sablay ang direksiyon ng kanyang boses kaya walang gana ang mga tao na pakinggan siya.

Dapat pangaralan at ayusin ng namamahala sa career ng young actress ang hitsura nito in public. Hindi puwedeng sa TV o sa big screen lang lumalabas ang ganda niya. Bahagi ng trabaho ng kilalang artista ang lumabas na presentable tuwing humaharap siya sa tao, mayayaman man o mahihirap ang mga estado nila sa buhay.

Annabelle sinusugod ng mga artista sa Cebu

Hindi natitinag si Tita Annabelle Rama sa mga intrigang ibinabato sa kanyang kandidatura bilang kongresista ng North District ng Cebu City. Isa na ang pagdadala niya ng mga artista sa kampanya niya.

“’Day, sila ang nagpiprisinta sa akin upang suportahan ang kandidatura ko. Sino naman ako para tanggihan sila? Sa showbiz, kapag maganda ang pakikisama mo, maganda rin ang ibabalik sa ’yo,” katuwiran ni Tita Annabelle nang aming maka-tsikahan sa Waterfront Hotel sa Cebu last Sunday bago sila magsimba ni Tito Eddie Gutierrez.

Halos malalaking artista nga ang nagbigay ng kanilang schedule kay Tita A upang sumampa sa stage ng rally ng kinabibilangan niyang Team Rama. Never niya kasing ipinagdamot sa kanyang team ang mga artistang inimbitahan niya.

“Sama-sama kaming lahat. Hindi ako nagsosolo sa mga pulung-pulong. Never naman kasi akong naging maramot. Alam ‘yan ng showbiz. Nakakataba ng puso ‘yung sincere ang tulong na binibigay sa akin ng lahat ng artistang iniimbita ko,” paliwanag ng nanay ng mga Gutierrez.

Nitong Sabado at Linggo, dalawang shows ang inihandog ni Tita A sa Plaza Independencia sa Cebu. Nung Sabado, ang grupo ni Willie Revillame ang nag-show. Bukod sa performances ng mga dancer at ni Ate Gay, namahagi rin ng blessing si Willie sa mga Cebuano.

Last Sunday, sina Pops Fernandez, Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, Arci Muñoz, at Pokwang. Naging part host si Ruffa Gutierrez habang ang mga anak nina Lorin at Venice ay sing and dance naman. Siyempre pa, present din si Eddie na kumanta ng isang Elvis Presley song.

Hindi nung Sunday magtatapos ang pagbibigay ng kasiyahan ni Tita Annabelle sa mga kababayan dahil sa huling malaking rally ng Team Rama sa May 9, higit pang malalaking artista ang magsi­silbing tagapagbigay ng kaligayahan sa Cebu City!

 

ANDI EIGENMANN

ARCI MU

ATE GAY

CEBU

CEBU CITY

TEAM RAMA

TITA A

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with