Chad binago ng kanser ang buhay, mga bisyo tuluyan nang tinalikuran

Nakakatuwa namang makitang magaling na magaling na ang dating sikat at mahusay na singer na si Chad Borja. Sumikat siya noong ’90s dahil sa kanyang hit single na Ikaw Lang na hanggang ngayon ay isa sa pinapatugtog pa rin at considered na isang OPM classic na.

Na-diagnose na may thyroid cancer ang singer noong 1998 at muntik na siyang mawalan ng pag-asa dahil nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pagiging sikat na mang-aawit pero biglang nagkaroon siya ng sakit sa mismong lalamunan niya.

Pero after 15 years ng constant na panggagamot at pagdarasal ay cancer-free na si Chad. Matatawag nga niya ang sarili na isang cancer survivor. At ngayon na bumalik na ulit ang magandang tinig ni Chad ay kakapirma lang niya ng isang management contract with Viva Artist Agency.

“Matagal ko nang kilala si Boss Vic (del Rosario). Napanood niya ako noon sa isang show ko sa Cosmo Bar at gusto na niya akong kunin sana for Viva Records.

“Pero that time may iba akong manager and I was with another recording company na. But we retained our friendship through the years and nakakatuwa nga na ngayon ay manager ko na siya after almost twenty years in the business,” ngiti pa ni Chad.

Marami ngang gagawing shows si Chad at magkakaroon siya ng bagong album. Say pa nga ng singer na nagpapasalamat siya na nagkaroon siya ng sakit dahil kung hindi dahil sa cancer ay hindi magbabago ang buhay niya.

“It changed my life for the better. Imagine, nandoon ka na sa peak ng iyong career ’tapos biglang mangyayari iyon? It opened my eyes to so many things na I took for granted.

“Sinabi ko nga eh kung hindi cancer ang tatapos ng buhay ko baka ibang bagay pa ang gumawa no’n.

“Before kasi abuso ako sa katawan. Lahat yata ng hindi magandang bisyo ay ginawa ko na noong kasikatan ko. Sigarilyo, alak, babae... you name it.

“Kaya natigil lahat iyon noong magkasakit ako. Kung hindi pa nagkaroon ng cancer baka nasira rin ang buhay ko dahil sa mga pinagdaanan kong bisyo,” paglalahad ng singer.

Roxanne gumagaya sa Hollywood kaya pumayag mag-nanay kay Jake

Nagpapasalamat si Roxanne Guinoo sa kanyang husband na si Elton Yap dahil sa pagiging maunawain nito at pagiging supportive sa muling pagbabalik niya sa kanyang pag-aartista.

Nanganak si Roxanne sa second baby nila named Reilly Anthony noong November 2012 at mabilis nga siyang pumayat dahil sa pagpapa-breastfeed niya.

Hindi naman nagselos ang panganay niyang si Rein dahil buntis pa lang siya ay sinabi na niyang siya ang mag-aalaga ng baby brother niya.

“’Yun nga ang worry ko noong una. Baka magselos kasi matagal na siya ang baby sa bahay namin. Pero I talked to her at sinabi ko na she will take care of her baby brother when I am not around. Yes naman ang sagot niya. True enough, kapag wala ako, siya ang parang yaya ng kapatid niya,” kuwento ni Roxanne.

Okay lang daw ang role niya bilang mother ni Jake Vargas sa Home Sweet Home kahit hindi sila nagkakalayo ng edad.

“Walang problema sa akin. Uso naman ’yan ngayon, ’di ba? Sa Hollywood nga ganyan din ang mga role ng ibang mga artista. Wala na sa edad kasi ngayon, it’s how you handle your role.

“Saka trabaho’ yan at wala ako sa posisyon na maging choosy. Kung ano ang ibinigay sa akin na work gawin natin ng maayos,” sabi ni Roxanne.

  

Show comments