Akala namin mapapanood ang mga overseas FiÂliÂpiÂno worker (OFW) sa Holy Land, Israel, sa isang episode ng Pinoy Abroad on GMA News TV kaya tinutukan ito. Pawang pamamasyal ng isa sa mga host ng show ang ipinakita hanggang matapos ang palabas. Walang tampok na kababayan natin ang nagsasakripisyong malayo sa bansa upang makatulong sa kanilang mga kamag-anak.
Kung alam namin na isa lang itong ordinaryong travelogue sa bida si Ivan Mayrina hindi kami nag-aksaya ng oras. Marami na kaming napapanood na show na ipinakita ang Holy Land. Kung bibigyan ng rating na mula 50 hanggang 100, 55 percent ang marka ng palabas.
Ang pakunsuwelong five percent, para sa effort ni Mayrina, na maraming costume change para akalain ng viewers na isa siyang celebrity.
Nakapagtataka naman na hinayaan ng GMA na mag-aksaya ng pera’t panahon para sa ganitong paÂlaÂbas. Aakalain din natin na kasama sa pagkunsinti sa walang katorya-toryang episode sina Marissa Flores at Jessica Soho ng News and Public Affairs department ng network.
Marahil bahagi ito ng kanilang slogan na ‘‘serbisyong totoo lamang.’’
Katrina puwedeng kumita ng malaki sa El Nido
Napili sa mga top attraction ng World Travel & Tour Association ang El Nido resort sa Palawan. Magsisipag ang mga investor upang dagdagan pa ng mga tourist facility sa lugar.
Sina Katrina Halili and family may property sa El Nido, Palawan. Maaari nilang tayuan ito ng kahit maliit na hotel o tourist inn. Tiyak na ang kanilang puhunan ay babalik agad kapag dumagsa na ang mga turista sa El Nido.
Puwedeng sumosyo si Kris Lawrence dahil may anak na sila ni Katrina.
Vilma naunahan ng ‘praise’ release sa Cannes filmfest
Nakapanghihinayang na hindi pumasok sa 2013 Cannes International Film Festival. Sayang at naglaho ang chance ni Vilma Santos na tanghaÂling best actress ang one of the most prestigious film competitions.
Ipasok na lang ninyo sa Asian o ASEAN filmfest, baka sakali. Puwede rin kayong umasa sa takilya. Baka mapantayan nito ang box-office record ng It Takes a Man and a WoÂmÂan!
Mahirap talaga ang nagpre-press/praise release agad na wala pang resulta!
Mga ipinagmamalaking award ng aktor, bayad ang karamihan
Noong magpunta kami sa bahay ng isang aktor, ipinagmalaki niya ang kanyang estante na punung-puno ng tropeo. Ilang ulit na siyang nagwagi ng acÂting awards.
Napangiti ako ng lihim dahil kahit sabihin pang deserved niyang manalo ng mga parangal na ’yon, eyewitness kami sa isang lihim. Merong mga trophy doon na talagang tinatapatan ng pera. Lalo pa sa mga award na mahigpit ang labanan. Nagpakawala siya ng maraming pera upang makatiyak ng panalo!
Masculados nakisayaw sa Cebu inmates
Napanood namin sa TV ang all-male group na Masculados ni Direk Maryo J. Delos Reyes na kasamang nagsasayaw ang Cebu inmates na sumikat sa buong mundo dahil sa kanilang unang dance video ng Thriller ni Michael Jackson.
Si Direk Maryo J. mismo ang nagdirek ng ’Di Ko Mapigil music video na malapit nang mapanood kapag inilunsad ang bagong album ng Masculados.
Alex malabong maging prinsesa sa Kapamilya
Unang assignment ni Alex Gonzaga bilang nagbalik-Kapamilya ang co-hosting job sa The Voice Philippines kasama ang kanyang ate Toni. Sabi magkakaroon din siya ng isang teledrama kung saan hinangaan ang young actress noong nasa TV5 pa.
Marami rin namang naitulong sa kanya ang KaÂpatid Network. Si Alex ang unang tinawag na prinsesa ng TV5. Sa ABS-CBN mahirap bansagan agad siya ng prinsesa dahil maraming big stars sa network.
Zia balak nang iwan si Zsa Zsa
Kahit hindi naman nagmamadaling maging independent si Zia Quizon at magsarili ng tahanan hindi naman siya nagmamadali na iwan agad ang kanyang mother na si Zsa Zsa Padilla.
Kailangan na tiyak na siyang kaya ni Zsa Zsa mag-isa bago siya bumukod. Dapat din maging okay ang kanyang liliÂpatan at approved ito ni Zsa Zsa. Ang singer-composer ay gaÂgawa ng bagong album. Ang kanyang pagiging laging afinado sa pagkanta ay namana ni Zia sa yumaong Comedy King. Sabi ng mga musical director at arranger laging nasa tamang tono ang boses ni Mang Dolphy, sa recording man o live performance.