^

Pang Movies

Magle-leave lang sa trabaho para matutukan ang anak habang bakasyon pagbabu sa showbiz ni Kris kumpirmadong hindi tuloy!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbabakasyon lang si Kris Aquino pero hindi magre-resign sa kanyang mga programa sa ABS-CBN. Ito ang kabuuan ng statement ng ABS-CBN tungkol sa binitiwang salita kamakailan ni Kris Aquino na tatalikuran na niya ang show para maalagaan ang kanyang mga anak particular na si Bimby matapos ang ilang ulit na pagme-meeting ng dalawang kampo.

Narito ang kabuuan ng statement na ipinadala ni Mr. Bong Osorio, Head, ABS-CBN Integrated Corporate Communication.

Ang pamunuan ng ABS-CBN at si Kris Aquino ay nagkaroon ng magkakasunod na meetings para pag-usapan ang kanyang intensyong mag-resign.

Nauunawaan ng ABS-CBN ang kagustuhan ni Kris na maging isang mabuting ina sa kanyang mga anak na sina Bimby at Josh. Ngunit sa kabilang banda ay pinahahalagahan din ng network si Kris bilang isang iconic talent at respetadong media personality sa bansa. Kinikilala naman ng ABS-CBN at ni Kris  ang responsibilidad niya sa publiko, sa kanyang mga katrabaho, at sa mga advertiser.

Kaya matapos ang masusing pag-uusap, sumang-ayon si Kris na pansamantala na munang mag-leave upang magkaroon siya ng panahon sa kanyang anak na si Bimby ngayong Hunyo habang ito’y nakabakasyon sa  eskwela, at para madala na rin niya si Josh sa ibang bansa upang maisulong ang kanyang developmental progress.

Pagkatapos ng kanyang leave haharaping muli ni Kris ang mga responsibilidad niya sa ating mga kapamilyang patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa kanya, at tutuparin ang kanyang contractual commitments sa ABS-CBN ng hindi naapektuhan ang kanyang mahalagang tungkulin bilang isang ina.

 

vuukle comment

ABS

BIMBY

CBN

HUNYO

INTEGRATED CORPORATE COMMUNICATION

KANYANG

KRIS

KRIS AQUINO

MR. BONG OSORIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with