Kaya tikom ang bibig ng mag-asawa coverage ng kasalang AiAi at Jed, binili ng Dos

MANILA, Philippines - Exclusive sa Channel 2 ang coverage ng kasal ni AiAi de las Alas sa boyfriend na si Jed Salang na naganap sa isang chapel sa Las Vegas nung April 3. No wonder, hanggang sa Ins­tagram lang nagpo-post si AiAi ng mga picture nila ni Jed na may tag na Mrs. Jed Salang, etc., etc. Pero ’yung detalye kung saan naganap ang kasalan. Wala na, huh!

Siyempre, dahil exclusive, may datung na involved sa TV rights ng wedding. Kahit paano ay gu­mastos si AiAi sa kasal lalo na sa pamasahe ng mga anak na sina Sancho at Sofia na pinalipad niya mula ’Pinas!

Although valid dito ang kasal kahit sa Las Vegas ginawa, anytime na magkaroon ng problema ay ma­dali nilang mapa-annul agad ito. Pero huwag naman dahil karapatan namang lumigaya ng Comedy Concert Queen.

Nandito na sa bansa ang bagong kasal dahil si AiAi ay ta­ping na agad ng Pilipinas Got Talent Season 4 at magri-re­sume ng shooting nila ni Ma­rian Rivera ng Kung Fu Divas.

Scholars ng EB grumadweyt na

Buo pa rin ang 30 EBest Scholars matapos ang apat na taong scholarship na ibinigay sa kanila ng Eat Bulaga. Nagtapos na ang high school ang mga kapus-palad pero matatalinong high school students mula sa iba’t ibang panig ng bansa at Metro Manila.

Last Saturday, umapir sa EB ang mga 30 graduate na karamihan ay mga honor, huh! Bilang regalo, isang MacBook ang ibinigay sa kanila ni Vic Sotto bilang bahagi rin ng kanyang birthday this month.

Kinagabihan ay merong graduation dinner na ibi­nigay sa kanila ang TAPE, Inc. Pinasaya ang mga scholar nina Ryzza Mae Dizon, Ruby Rodriguez, at Wally Bayola.

Pero hindi nagtatapos sa pag-graduate sa high school ang regalo sa scholars ng producers ng show. Hanggang college ay ipagpapatuloy ang scholarship nila para sa kursong pinili nilang pag-aralan.

Ayon kay Jenny Ferre, AVP-Productions ng programa, mas mahigpit na monitoring ang gagawin sa mga scholar upang lalo nilang matapos ang ka­nilang pag-aaral.          

Ogie tuloy ang kayod sa GMA kahit lilipat na

Matindi man ang balitang lilipat na sa TV5, pinagkatiwalaan pa rin si Ogie Alcasid ng GMA Net­work ng isang bagong show na Bonakid Pre-School Ready Set Laban na mapapanood simula sa April 20, Sabado, bago ang Eat Bulaga.

Kahit eight weeks lang tatakbo ang kiddie show, nandoon pa rin ang respeto ni Ogie sa home station kaya nakiusap na huwag nang pag-usapan ang paglipat niya nung isalang siya sa media.

Ang kiddie show ni Ogie ay first time niyang ga­ga­win at kasangga niya rito ang Wyeth Nutrition na magti-test ng lakas, energy, at determination ng mga bata sa challenges na haharapin nila sa programa.     

                                                     

 

Show comments