Dapat pala ay nasa finale pa si Michelle Madrigal as Chantal sa wedding scene ni Marian Rivera as Angeline sa The Last Temptation of Wife sa Friday pero kailangan na siyang alisin sa soap kahit nakapag-taping na siya dahil sa Monday ay magsisimula na siyang mapanood as the wife of Richard Gutierrez naman sa suspenserye na Love and Lies. Biro sa kanya, baka kaya siya inalis, guguluhin pa niya ang kasalan.
“Hindi. Mabait na si Chantal,†natatawang wika ni Michelle. “Kasi nga mag-i-end ako sa wedding scene sa Temptation of Wife ’tapos sa Monday (April 8) kapalit nito, ako naman ang ikinakasal kay Richard sa isang military wedding na, personally, dream wedding ko iyon kung sakaling military man ang mapapangasawa ko. At least, dito, dahil isang Navy man si Chard, isang bonggang military wedding ang opening scene namin kaya tuwang-tuwa si Chard dahil dream wedding din pala niya iyon.â€
Dahil mag-asawa sila ni Richard, may kissing scenes sila, hindi ba nagseselos ang boyfriend niya? Hindi raw naman. Sinasabi niyang may reason kung bakit kailangan ang kissing scene. Kasama sa action-drama ang dati niyang boyfriend na si John Hall. Hindi naman kaya siya pala ang pagselosan ng BF niya? Sagot niya ay hindi uli. Dahil wala silang eksenang magkasama ni John na ang role ay isa sa mga kasamang Navy ni Richard.
Naiiba kay Michelle ang Love and Lies dahil may mga action scene siya after niyang ma-kidnap at nagpalipat-lipat sila ng lugar habang itinatago siya sa naghahanap niyang asawa.
Natanong din namin si Michelle kung alam niyang lilipat ng ibang network ang friend niyang si Lovi Poe. Wala siyang alam pero nagulat siya nang hindi dumating sa story conference si Lovi na isa rin sa leading lady ni RiÂchard. Kinabukasan na raw lamang niya nalaman na wala na si Lovi at pinalitan na ito ng friend din niyang si Bela Padilla.
Humanga kami sa audio-visual presentation at sa music video ng Love and Lies na idinirek ni Mark Reyes bago ang formal launch.
Feature rito at ipinagamit ng ating Philippine Navy, ang isang malaking Navy war ship, ang Barko ng Republika ng Pilipinas Emilio Jacinto PS 3P na gamit ng Corvett Class na kinabibilangan ni Richard sa story.
Kuwento ni Direk Mark, ang Navy ship kung naka-dock sa Manila Bay at kailangang gamitin sa war, ang bawat paputukin nitong bullet ay kailangang may presidential approval pa dahil bawat bullet na gagamitin ay nagkakahalaga ng P1 million. Kayang umabot ang bala na papuputukin hanggang SM Megamall sa Mandaluyong.