Ayaw makinig kahit pinagagalitan na young actor lihim na minamanmanan ang ex na actress

MANILA, Philippines -  Matigas daw talaga ang ulo ng isang young actor na suwagin ang ipinag-uutos ng manager at kaibigan na tigilan na ang pagsunud-sunod sa babaeng unang minahal.  Hindi pa rin daw kasi maka-get over ang young actor sa pagmamahal sa babae kaya kahit hiwalay na, lumalabas ang pagiging stalker nito, huh!

Lalo na ngayong nabigyan ng leading man break ang young actor, higit na triple ang tigas ng kanyang kukote, huh! Basta type niyang sundan ang first love, walang puwedeng humadlang sa kanya.

Gaya nitong nakaraang Holy Week, lihim na sinundan ng young actor ang babae sa isang kilalang beach resort. Although hindi naman siya lumalapit, still, nandoon lang siya’t nakamatyag sa whereabouts ng babae, huh!

No wonder, hindi muna binigyan ng regular show ang young actor upang turuan ng leksiyon sa mga kalokohang ginagawa na puwedeng makadiskaril sa career niya, huh!

Ronald Singson pahinga sa pagpo-produce ng concert ng mga foreign artist

Hirap na ring makipag-compete ni Ronald Singson sa mga foreign concert producers kaya naman tinigilan na niya ang pagdadala ng foreign artists sa bansa. Hit or miss na rin kasi ang nagiging resulta ng pagdadala rito ng foreign acts kaya mimabuti niyang ang movie production naman ang pasuking business.

“At least, dito sa movie industry naman, natutunan naming magtipid! Ha! Ha! Ha!

“Besides…Sabi ko nga dati, gastos ako nang gastos ng malaki sa international talents, bakit hindi naman tayo mag-invest sa local talents natin dito? Tulong na rin sa industriya. Hopefully, tuluy-tuloy na ito. This will be the start of many projects.

“Pero depende, depende talaga. Para sa akin, hindi ito ang magdi-determine ng success ng movie. ‘Yung relationship naming nagtrabaho dito. The friendships that we’ve made,” pahayag ni Ronald na nag-joint venture sa Brownsugar Entertainment sa unang venture nilang Coming Soon.

Marami nga silang artistang kinuhang guests sa movie. Nahirapan man sila sa schedules ng mga bidang artista, nagpapasalamat sila dahil hindi sila siningil ng malaking talent fee, huh!

 

Show comments