Nahagip ko sa Cinema One last week na excited na nagkukuwento si Aiko Melendez sa pagpasok ng anak niyang si Andrei sa showbiz. Pero habang naghihintay ng tamang timing ay pinaghahanda muna niya ang anak nila ni Jomari Yllana bago tuluyang sumabak sa mundo ng showbiz.
Ipinagmamalaki pa ni Aiko na may boses ang kanyang anak kung kantahan ang pag-uusapan. Kamukha raw ni Jomari si Andrei pero mas maputing version.
At kung akting ang labanan ay tiyak na may pagmamanahan din sa galing ang anak ng dating mag-asawang Aiko at Jomari. Merong paghuhugutan ng emosyon si Andrei dahil broken family sila at magaÂgamit niya iyon sa drama.
Open din ang bagets na crush niya ang anak ni Marjorie Barretto na si Julia Barretto na bagong pasisikatin ng Star Magic ngayon. Kung hindi mauunahan si Andrei ay puwedeng sana silang love team ni Julia, na apple of the eye na ng mga bagong bagets sa bakuran ng ABS-CBN.
Carlo gusto ring mapansin sa mga sinusulat na kanta
Sa pagpasok pa lang ng buwan ng April ay ganado na naman si Carlo Aquino dahil mapapanood na naman siyang umaarte sa bagong teleserye ng ABS-CBN na drama series na Dugong Buhay.
Hindi man daw siya ang bida, kundi si Ejay Falcon, ay nagagandahan siya sa project dahil remake ito mula sa batikang direktor na si Carlo J. Caparas at isang honor sa kanya ang mapabilang sa ganitong kalidad na drama ng Kapamilya Network na ngayon ay sa pamumuno ni Direk Toto Natividad.
Pero mas nabuhayan ng dugo si Carlo dahil meron na naman siyang gagawing indie film ngayong buwan na may title na Gabriel. Kamakailan lang ay tumanggap ng award si Carlo mula sa Star Awards for Movies bilang Movie Supporting Actor of the Year para sa Mater Dolorosa at pang 9th award na raw niya ito.
“Calling ko na talaga ang umarte kaya bawat project ay pinagbubutihan ko ang trabaho,†sabi ng young actor na naghahangad ding mapansin ang mga sinusulat niyang kanta.
“Basta sulat lang ako nang sulat ng kanta. Malay natin. Tingnan natin kung saan din ako dadalhin ng musika ko.â€
Samantala, bilang pagbabalik-tanaw ni Carlo sa kanyang mga blessing na natatanggap ay namigay ang aktor, kasama ang kanyang mga kaibigan, ng kaunting tulong sa isang foundation.