^

Pang Movies

Matapos manapak at manuntok sa taping, Jason nag-sorry kay John

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inireklamo ng aktor na si John Prats ng pananapak ang kapwa aktor na si Jason Francisco sa Greenhills Police Station sa San Juan City noong Huwebes ng gabi, Marso 22.

Kuwento ng binata, nakaupo siya habang nanonood ng rehearsal ng kanilang programang Banana Split nang umupo sa likuran niya si Jason at bigla umano siyang sinuntok sa mukha.

“I was watching sa rehearsal ng Banana Split then from behind sa likod ko, sinapak niya ‘ko ng dalawang beses sa mukha, dito at dito, nasa likod siya ’tapos nung humarap na ‘ko, sabi ko, ‘Anong problema mo?’”

Ayon kay Direk Jemster Reyes na kasama ng aktor sa police station: “Akala ko tatapikin lang si John. ’Yung tapik niya isang malakas na sampal, ’tapos isang suntok sa kaliwa ’tapos suntok ulit, bale tatlo. Inawat na namin kasi nagulat kami pareho.”

Agad namang umalis sa lugar si Jason at ang dati nitong girlfriend na si Melai Cantiveros matapos maawat ng mga kasamahan.

Sinasabing napuno si Jason sa madalas na panu­nukso ng mga kasama sa komedyanteng si Melai.
“Kasi sa amin sa Banana Split, talagang asaran talaga kami. Inaasar ko si Jason na malaki ulo. Ako, tinutukso na maliit, and it’s normal,” paliwanag ni John.

Pero wala siyang ideya kung ano talaga ang ikinagalit sa kanya ni Jason.

“Wala... I felt that I was the one available that time. Sa twenty one years ko sa industriya first time na may gumawa sa ‘kin ng ganito,” sabi pa ng aktor.

May mensahe ba siya para kay Jason?

“Honestly, wala. Ayaw kong magsalita. Gusto kong umaksiyon, ” sambit pa ni John.

Nagtungo sa Camp Crame si Prats upang sumailalim sa medical examination habang pinag-aaralan pa kung tuluyang sasampahan ng kasong physical injury si Francisco. 

Samantala, humingi na ng paumanhin ang nakapanakit, sa pamilya ni John at pati na sa buong cast at staff ng Banana Split.

Inako ni Jason ang pagkakamali at umaasang magkakausap sila ni John para personal na makahingi ng paumanhin.

“Humihingi ako ng paumanhin sa iyo. Sana patawarin mo ako sa nagawa ko kasi alam ko na may pinagsamahan tayo. Sana mapatawad niya ako saka ng pamilya niya,” sabi ni Jason.

Maging ang girlfriend ni John na si Isabel Oli ay agad napasugod sa presinto nang malaman niya ang nangyari.

Sabi pa ng Kapuso actress, “Nakakalungkot lang kasi alam ko naman na si John hindi naman siya ganung klaseng tao. Kung iiwas siya sa gulo, iiwas talaga ’yan. Nakakalungkot lang.”

Anong suporta ang ibinibigay niya kay John?

“Ito, nandito lang ako hanggang matapos. May mga process na ginagawa para sa isinasampang kaso like ’yung pagpapa-check up niya para sa medical report.

“Sasamahan ko lang siya, ” sabi pa ni Isabel.

                               

 

vuukle comment

ANONG

BANANA SPLIT

CAMP CRAME

DIREK JEMSTER REYES

GREENHILLS POLICE STATION

JASON

JOHN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with