^

Pang Movies

Joey Marquez, hindi kapani-paniwalang hindi na babaero

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Parang unbelievable na loveless daw siya, ang chickboy na si Joey Marquez.

Si Tsong ang may sabi nito with a sad face pa nang ma-corner namin siya sa shooting ng pelikulang Raketeros sa LPL Mansion sa Lipa City, Batangas. Sino ba ang maniniwala kay Congressman Joey eh sa showbiz nagsisimula pa lang siya, kilala na siyang babaero?

May biro nga ang mga co-star niya sa Raketeros na sina Mayor Herbert Bautista, Andrew E., Dennis Padilla, at iba pa at ang kanilang direktor na si Randy Santiago na kahit daw yata puno ng saging na sinuutan ng palda ay baka ‘di patawarin ni Joey.

Alden sinisiraan, ipinipilit na bakla raw

Bakla raw si Alden Richards?! ‘Di subukan ninyo para malaman ninyo kung gaano katulis o kahaba. Sure kami na malaki ang inggit ng kung sinong inis sa young actor na kahit saang anggulo sipatin ay guwapo at makinis. Higit sa lahat ay mabait kahit napakabilis ng pag-angat ng kanyang career sa showbiz. Alagang GMA 7 yata!

Hindi apektado ang Golden City boy sa mga intriga sa kanya. Iba kasi kapag secure ka at likas na mabait. Hindi nabago ng showbiz.

Sen. Lito never nagbigay ng sakit ng ulo

Very professional daw si Sen. Lito Lapid kasi on time sa taping ng kanyang bagong teleserye na first time sa buhay niya, ang Little Champ sa ABS-CBN.

Eh kahit noong araw pa, nagsisimula pa lang si Sen. Lito sa paggawa ng pelikula ni Jesse Chua na nag-build up sa kanya, very professional na siya, never na na-late ng shooting at kahit katiting ay never na naging sakit ng ulo ng mga direktor niyang sina Maning H. Borlaza, Nilo Saez, Direk Ochoa, Fyke Cinco, at iba pa. Ngayon pa ba na disiplinado na lalo ang sarili niya sa Senado?

 

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDREW E

CONGRESSMAN JOEY

DENNIS PADILLA

DIREK OCHOA

FYKE CINCO

GOLDEN CITY

JESSE CHUA

JOEY MARQUEZ

LIPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with