Marian bumigay sa ipinasilip na puwet ni Richard!

MANILA, Philippines - Lucky charm ang bungad kay Marian Rivera ni Mother Lily Monteverde na sorpresang dumating sa presscon ng My Lady Boss nung Martes ng tanghali sa Imperial Hotel, Quezon City. First public appearance ng Regal Entertainment, Inc. producer ang press matapos maoperahan sa lungs last month.

Biro naman ni Yan-Yan, “Pang-ilan ako sa sinabihan mong ’yan, Mother? Hahaha!” First public appearance kasi ni Mother ang presscon na laging nasa bahay lang upang ipahinga ang ope­rasyon.

Obviously, back to normal ang mother ng showbiz dahil hindi niya maiwasang tumaas ang boses ’pag may kapalpakang nangyayari. Just the same, looking good ang hitsura ni Mother at natuwa ang press sa hitsura niya ngayon!

Sweeter and lovelier the second time around ang drama nina Richard Gutierrez at Marian na after five years ay muling naglandian sa My Lady Boss na joint venture ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films.

“Kami ni Marian, nung magkasama sa BFGF five years ago, nagkaroon kami ng bonding doon. Kahit na five years na ang nakalipas ngayong nagkasama uli kami sa pelikula, ganoon pa rin. Relaxed pa rin kami sa isa’t isa. Komportable kami.

“Kami nga ni Yan, puwede kaming magtawanan on the set. Puwede naming pag-usapan kahit ano. Siguro roon na rin nanggagaling ang onscreen chemistry na sinasabi ng mga tao. Pero ang sarap pakiramdam katrabaho ni Yan dahil very professional.

“Nakita mo talaga ‘yung…Never a dull moment ’pag kasama mo si Yan on the set. Nagtutulungan kaming dalawa. Good experience at sana kumita ito ng audience,” pahayag ni Richard.

“Masasabi ko, yes! For the first time, pumayag na akong maki­pag-kissing kay Chard,” rason ni Marian.

Sa kissing scene lang ba siya pumayag?

“More! Hahaha!” dugtong ng bida ng Temptation of Wife.

“Wala kasi kaming tinatago sa isa’t isa. Napaka-open namin sa lahat ng bagay. ’Pag sinabi kong sa lahat ng bagay, lahat puwede naming pag-usapan, personal man o trabaho. Napag-uusapan namin on the spot,” sabi pa ng aktres.

Smack man sa labi ang ginawa nina Yan at Chard sa unang movie, sa My Lady Boss na showing na sa April 10 ay hindi lang isang beses silang naglapatan ng labi.

Pero sa pelikula, bumigay na si Marian sa pang-aakit ni Chard sa kanya kung saan pumayag siyang magpasilip ng puwet sa isang  eksenang naliligo siya. “It comes with maturity. Hindi naman fore­ver na sweet ako! Hahaha!” katuwiran ni Marian.

 

Show comments