Liam Hemsworth hindi gaanong nakilala ng Pinoy fans?!
Isa na namang Hollywood young actor ang dinala ng Bench kamakailan sa katauhan ni Liam Hemsworth, isa sa mga tinatawag ng clothing company na GlobalBenchSetters.
Si Liam ay nakilala sa The Hunger Games kahit hindi siya ang naging love interest ng bida sa huli. Lumabas din ang Australian actor sa The Expendables 2. Pero mas natatandaan siya bilang dyowa o ex na ni Miley Cyrus dahil magulo ang relasyon nila lately.
Nakakatulong nga siguro ng malaki ang foreign stars bilang modelo ng local brand kaya nawiwili ang Bench sa pag-iimbita ng iba’t ibang artist dito sa bansa tulad nina David Archuleta, Joe Jonas, Michael Trevino ng The Vampire Diaries, Lucy Hale ng Pretty Little Liars, at ng mga Koreanong sina Dong Hae at Si Won ng Super Junior.
Nung isang taon naglabasan ang mga poster ng 23-year-old hunk katabi ang lion at ngayon lang siya makakabisita.
Ang 6:00 p.m. na nakalagay sa social networking sites para sa meet-and-greet event sa Glorietta 1 sa Makati City ay naging 7:00 p.m. Kaya pala halos alas-sais na ay wala pang katau-tao ang activity center na open area. Ang mga guwardiya pa lang ang mga naka-puwesto. Wala ring masyadong design sa stage at sa paligid maliban sa Bench logo.
Ang mga curious na manonood ay dumami lang nung nakita na mismo si Liam sa stage. Pero bago iyon ay wala rin ang mga nakabakod na fans ng Aussie star kahit nag-alas-siyete na. Kokonti lang din ang nakabili ng Bench items na siyang parang entrance fee para makaupo malapit sa stage pero naghiyawan naman ang lahat ng kababaihan nang masilayan na si Liam.
Karaniwan na sa Global Bench Setters ang nagkakaroon ng kanya-kanyang hakot. Baka naman kung ang kapatid niya na mas sikat, si Chris “Thor†Hemsworth, ang kinuha ay baka ‘yun pa ang pagkaabalahang dumugin. Tiyak namang mas madugo ang talent fee nun kay Liam.
Bagong album ni Yeng hindi pa napapansin
Nakatapos na sa album launching si Yeng Constantino na nag-iba pa siya ng image pero parang hindi napo-promote ng husto at hindi kinakagat ang ika-limang album niya na pinamagatang Metamorphosis.
Medyo matagal pa namang hinintay ng kanyang mga tagahanga ang bagong album at dito na lumabas ang sinasabing “mature†na Yeng. Dito sa Metamorphosis siya nag-transform, mula sa pananaw at pagsusulat ng kanta hanggang sa kulay ng buhok niya.
Ano kaya ang nangyari at parang hindi pa niya naitotodo ang bagong album? Kasali rin si Yeng sa Himig Handog P-Pop Love Songs pero hindi rin napag-usapan ang interpretasyon niya. Naging mas malakas pa ang naging ugong sa kanta ni KZ Tandingan.
- Latest