Hindi na maitago ni Mariel Rodriguez ang kanyang pag-aalala sa kanyang asawang si Robin Padilla dahil mukhang masyado na iyong involved sa problema ng mga Muslim sa Sabah, Malaysia. Pinagsabihan na raw ni Mariel si Robin pero ang naging sagot sa kanya ay pabayaan na lang kung ano ang desisyon niya.
Itinuturing kasi ng aktor na close sa kanya ang Sultan mismo dahil bukod nga sa iyon ang humikaÂyat sa kanya sa Islam, ninong pa nila sa kasal ni Liezel Sicangco.
Pero parang tama rin si Mariel eh, mas maganda nga siguro kung tutulong na lang si Robin sa ibang paraan at hindi iyong nagbabalak pa siyang magpunta sa Sabah.
Dumadagundong na boses ni Subas sa simbahan, naalala sa kanyang pagpanaw
Madalas pa namin siyang makita noong araw sa Our Lady of Mt. Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City kadalasan ay commentator siya sa misa. Malakas at dumadagundong sa buong simbahan ang kanyang boses. Hindi ka magkakamali, si Subas Herrero nga iyon.
Pero matagal na siyang nawala, iyon pala ay nagpunta na siya sa New York at doon na naninirahan. Pero ang malungkot na balitang umabot sa atin, noong isang araw ay yumao na siya sa gulang na 69, dahil sa pneumonia. Pero marami ang naniniwala na complication iyon ng kanyang sakit na diabetes. Matagal na pala siyang may diabetes kaya pala marami ang nakapansin noon na pumapayat na siya. In fact, noon pang madalas namin siyang makita sa simbahan ay payat na siya.
Isa si Subas sa mga pinakamahusay nating chaÂracter actors. Kung kontrabida siya, laging isang maÂyaman o pinuno ng isang sindikato ang kanyang role, matapang at malupit. Malayo iyon sa tunay niyang pagkatao na palabati at palangiti rin.
Tapos natuklasan na maaari pala silang mag-team ng isa pang aktor, si Noel Trinidad. Click naman sila agad dahil dati na silang magkasama sa legitimate stage. Nag-comedy sila at nagkaroon ng isang show sa RPN 9 noon, ang Champoy. Comedy iyon at kumakanta rin naman silang dalawa at ibang klase ang kanilang comedy, hindi slapstick.
Noong una ay marami ang takot sa show dahil mukha raw iyong high class. Pero nakuha naman nila ang masa. Mataas ang ratings noon ng Champoy at kung hindi kami nagkakamali dahil doon ay nagkaroon pa sila ng mga recording.
Noon ay sikat na sikat din si Subas Herrero dahil bukod sa pagiging artista, dahil naman doon sa kanyang restaurant na Señor Subas, na napakasarap ng paella.
Sayang, wala na si Subas, at bata pa rin naman siyang masasabi para yumao.
Starlet, halos mamalimos na sa mga DOM
Kawawang starlet. Kung dati ay pinagkakaguluhan at kinababaliwan siya ng mga dirty old men (DOM), ngaÂyon ay parang iniiwasan na siya kahit na siya pa mismo ang nagtatatawag sa kanila.
Eh kasi raw sobra naman kung mangÂhingi ng pera ang starlet at ang kanyang pimp manager. Lagi silang istambay sa isang food chain at lahat ng dumaan doon ay nahaharbatan nila lalo na kung walang booking ang starlet.