Pag-atungal at hindi basta pag-iyak ang ginawa ni Louise delos Reyes nang magsalita ito tungkol sa breakup nila ni Enzo Pineda.
Parang mauubusan ng hininga si Louise nang kumpirmahin nito na hiwalay na sila ni Enzo. Ramdam na ramdam ang loneliness ng dalaga dahil maraming good memories ang love affair nila ng kanyang ex-dyowa.
Ngayong single na uli si Enzo ay asahan na natin ang next news, nililigawan niya si Kim Rodriguez, ang leading lady niya sa coming soon na teleserye ng GMA 7 na Kakambal ni Eliana.
Concert nina Jose at Wally lumagpas ng 3 hours, walang nag-walkout
Bilib ako sa sipag at stamina nina Jose Manalo at Wally Bayola. Parang wala silang kapaguran dahil nag-report sila kahapon sa Eat Bulaga, hitsurang pagod at puyat ang dalawa sa successful concert nila sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes.
Hit na hit ang concert nina Wally at Jose dahil napuno uli nila ang Big Dome. Mabentang-mabenta sa audience ang kanilang jokes at batuhan ng linya. Higit sa lahat, dumagundong ang buong Smart Araneta Coliseum nang biglang umapir sa stage si Martin Nievera, ang surprise guest sa kanilang concert.
Ang sabi ng aking spy, walang nag-walk out sa concert nina Jose at Wally dahil nag-enjoy ang lahat. Tinapos nila ang panonood sa concert na tumagal nang more than three hours.
Ryzza Mae tatlong beses nahubaran
Star of the show si Ryzza Mae Dizon, isa sa mga special guest nina Wally at Jose.
Bibang-biba ang bagets sa pakikipag-okrayan niya sa kanyang Dabarkads.
Umalingawngaw ang malakas na halakhakan sa loob ng Big Dome dahil tatlong beses na nahubaran ng skirt si Ryzza. Mabuti na lang, may sequined shorts na suot ang bagets kaya walang na-sight nang mahubad ang kanyang nagniÂningning na palda na ginamit niya uli kahapon sa Eat Bulaga.
Alfred emosyonal sa Stage 3 cancer ng ina
Napaluha si Quezon City Councilor Alfred Vargas nang mapag-usapan ang Stage 3 cancer ng kanyang ina.
Mahal na mahal ni Alfred ang kanyang madir kaya nagiging emosyonal siya kapag tinatanong tungkol sa karamdaman ni Atty. Ching Vargas.
Ang kalagayan ng nanay niya ang isang dahilan ng desisyon ni Alfred na huwag munang tumanggap ng mga teleserye. Gusto ni Alfred na iukol ang kanyang oras sa nanay niya at constituents sa District 5 ng Quezon City.