Hayden Kho sumusumpang hindi bading pero naguguwapuhan kay Daniel Padilla
Sumusumpa si Hayden Kho, Jr. na lalaking-lalaki pero guwapung-guwapo siya kay Daniel Padilla.
May mga kakilala ako na mga tunay na lalaki pero vocal sa pagsasabi na naguguwapuhan sila kay ganito at ganireng lalaki. Hindi porke’t humanga kay Daniel si Hayden eh bading na ito ’no?! Normal sa mga tunay na mhin na magkaroon ng man crush. Man crush daw o!
Rufa Mae at Alyssa may pinagsasaluhang lihim!
Hindi nahulaan ng televiewers ang gustong i-point out ni Joey de Leon nang itanong niya kay Alyssa Alano kung kasundo nito si Rufa Mae Quinto.
Knows ko ang ibig sabihin ni Papa Joey but my lips are sealed. Enough na ‘yung alam ko ang common denominator nina Alyssa at Rufa Mae, maliban sa mga boobita image nila. Bahala na kayong mag-research para malaman ninyo ang big revelation!
Lauren idinenay ang pangwawasak kina Elmo at Julie Anne
Confident si Lauren Young na maiintindihan ng fans nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona ang kanyang explanation.
Ang say ni Lauren, wala siyang intensiyon na wasakin ang love team nina Julie Anne at Elmo dahil friends lamang sila ng young actor. Willing nga siya na maging ka-love team ng ibang Kapuso actor para patunayan na wala silang special relationship ni Elmo. Kung kayo ang tagahanga ng love team nina Elmo at Julie Anne, paniniwalaan n’yo ba ang paliwanag at denial ni Lauren?
Sheena maluha-luha nang paiksian ang buhok
Pinutulan ang mahabang buhok ni Sheena HaÂliÂli dahil kailangan para sa mga eksena niya sa Indio.
Maluha-luha si Sheena nang gupitin ang kanyang long hair pero kapag pinapanood ko ang Indio, halata na pinagsuot si Sheena ng wig. Puwede naman pala na gumamit ng wig, bakit pinagupitan pa ang kanyang buhok?
Mabuti na lang, bagay kay Sheena ang shoulder-length hair dahil bagets na bagets uli ang hitsura niya.
Nora sumulpot sa ani ng dangal
Totoo ang balita na naririto na uli sa Pilipinas si Nora Aunor dahil dumalo siya sa 5th Ani ng Dangal Awards na ginanap noong Biyernes sa Cultural Center of the Philippines (CCP).
Kasali si Nora Aunor sa 48 artists na pinarangalan ng National Commission for Culture and the Arts dahil sa pagganap niya sa Thy Womb na nagbigay sa kanya ng mga acting award.
Tumanggap din ng parangal si Sarah Geronimo (Multi-Disciplinary Arts) at si Dante Mendoza, ang direktor ng Thy Womb.
Matagal na namalagi si Nora sa Amerika at ngayong bumalik na siya sa bansa, inaasahan na itutuloy na niya ang taping para sa teleserye na kanyang iniwan, ang Never Say Goodbye ng TV5.
Ito ang kumpletong listahan ng Ani ng Dangal awardees:
Architecture and Allied Arts
Aidea Philippines, Inc., Architect Abelardo Tolentino Jr.
Kenneth Cobonpue, Cabaret Sofa
Cinema
Adrian Sibal, The Rivals
Auraeus Solito, Busong
Christopher Gozum, Anacbuana
John Paul Su, Pagpag
Lav Diaz, Florentinahubaldo CTE
Lawrence Fajardo, Posas
Marlon Rivera, Ang Babae sa Septic Tank
Brandon Relucio at Ivan Zaldarriaga, Di Ingon ‘Nato
Marty Syjuco, Give Up Tomorrow
Shamaine Buencamino, Niño
Will Fredo, The Caregiver
Dance
Candice Adea
Halili Cruz Ballet Company
Irina Feleo of Bayanihan, Philippine National Folk Dance Company
Peter Laurent Callangan of Bayanihan Philippine National Folk Dance Company
The Crew
Dramatic Arts
Peter De Guzman, The Romance of Magno Rubio
Literary
Romulo Baquiran, Jr.
Multi-Disciplinary Arts
BBDO Guerrero, Pepsi/MyShelter Foundation’s Bottle Light project
Kara David, i-Witness Alkansya GMA News TV
Wansapanataym, The Chalk Boy ABS-CBN Corporation
Music
Arwin Tan
Baao Children Chorus
Edgardo “Ed†Lumbera Manguiat
Imusicapella
Joseleo Ciballos Logdat
Miriam College High School Glee Club
Muntinlupa Science High School Chorale
Novo Concertante Manila Choir
Samiweng Singers, Ilocos Norte National High School (INNHS)
University of the Philippines Singing Ambassadors
UP Concert Chorus
Visual Arts
Jamille Bianca Aguilar
Joel C. Forte
Zohayma Montañer
Trisha Co Reyes
Engr. Jaime Sumugat Singlador
George Tapan
Jamia Mei Tolentino
Jophel Ybiosa
- Latest