^

Pang Movies

Matinee idol na lumamon nang lumamon, winarningan na ng manager!

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi mabigyan ng bagong show ang matinee idol na ito dahil bigla raw tumaba at nawala ang dating porma ng katawan.

Ang project pa naman nito ay kailangan niyang magpakita ng kanyang katawan na ala-Magic Mike ang istorya.

Sinisisi ng manager ng matinee idol ang current girlfriend nito dahil parati raw nitong pinapakain ng mga niluto niya. Nagtapos kasi ng culinary arts sa ibang bansa ang girlfriend kaya lahat ng eksperimento nitong luto ay kay matinee idol niya unang pinapakain.

Ito namang si matinee idol kain lang nang kain at nakalimutan nang mag-workout. Noong i-pictorial ito ng kanyang manager para sa isang endorsement, meron na itong bilbil at tumaba ang mukha.

Mabuti na lang at mabait ang product owner at dayain na lang daw sa iba’t ibang anggulo ang photo shoot ni matinee idol para hindi halatang tumaba ito.

Binigyan ng dalawang buwan ng manager ang matinee idol na magpaganda ulit ng katawan or else mawawala na ang project sa kanya at ibibigay na ito sa ibang aktor na mas maganda na ang katawan sa kanya.

Gladys naG-e-effort sa pag-iimbita ng mga bisita sa kanyang programa

Hindi inaasahan ni Gladys Reyes na aabot ng six years ang kanyang lifestyle/celebrity talk show na Moments sa Net 25. Nagpapasalamat siya sa istasyon dahil ipinagkatiwala sa kanya ang isang talk show considering na mas kilala siya bilang kontrabida sa pelikula at mga TV series.

Makakasama na niya rito ang dalawa niyang anak.

Kasama rin sa bagong segment ng Moments ay ang paglakbay sa iba’t ibang lugar. Tulad nitong huli ay sa Hong Kong Disneyland nag-tape ng show si Gladys.

     Hindi lang nagho-host si Gladys ng Moments kundi siya na rin ang nag-e-effort mag-imbita ng guest para sa show.

     Napapanood ang Moments every Saturday at 7:00 p.m. sa Net 25.

vuukle comment

BINIGYAN

GLADYS

GLADYS REYES

HONG KONG DISNEYLAND

IDOL

KASAMA

MAGIC MIKE

MAKAKASAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with