Kahapon dapat ang arrival ni AiAi delas Alas mula sa Amerika. Waiting ang mga intrigera sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas dahil gusto nilang malaman ang tunay na dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa boyfriend na si Jed Salang.
Nalaman ko na nag-celebrate pala si Jed ng birthday noong nakaraang linggo pero wala si AiAi dahil walang kaabug-abog na lumipad ito sa Amerika.
Ang tsismis, si AiAi ang nagpasya na lumayo kaya nawindang si Jed. Eh may hula pa naman kay AiAi na hindi lalampas ng dalawang taon ang love affair nila ng kanyang boyfriend.
Sa totoo lang, hindi ang kanilang paghihiwalay ang major concern ko. Mas interesado ako sa blow out na ipinangako sa akin ni AiAi. Kailangang maka-recover na siya sa paghihiwalay nila ni Jed para matuloy na ang lunch date namin ’no?!
Anne wala sa kalingkingan ng kabaitan ni Ang Lee
May mga naniwala sa joke ko na nag-sorry si Anne Hathaway kay Ricky Lo nang mag-win siya ng best supporting actress trophy sa 85th Academy Awards noong Linggo.
Pinaniwalaan ang pang-eeklay na sinabi ko dahil maingay na maingay ang kontrobersiyal na interbyuhan portion nina Anne at Papa Ricky na napanood sa YouTube.
Hindi naman nakaka-excite ang panaÂnalo ni Anne ng acÂtÂing award ’no?! NaÂninÂdig ang balahibo ko nang mapanalunan ni Ang Lee ang best director award dahil Asian siya, tulad natin. Ang bait-bait pa ng hitsura ni Ang Lee at pinatunayan ito ni Papa Ricky na regular na nakakatanggap ng Christmas card mula sa mahusay na Taiwanese director. Aanhin natin ang isang Anne kung nandiyan naman si Ang?
Aktres takot sa resbak ng kapwa aktres na sinira-siraan
Afraid ang isang aktres dahil baka resbakan o balikan siya ng kapwa artista na sinira-siraan niya.
Matapang at palaban ang artista na binuwisit ng aktres. Imposible na hindi siya gantihan lalo pa’t personal at below the belt ang kanyang mga banat.
Takot na takot ang aktres at ganyan ang nangyayari sa mga katulad niya na hindi nag-iisip bago manira ng kapwa.
Mga bading sa Navotas magkakaroon ng open forum
May reason ang mga bading na sumugod sa Navotas City Sports Complex sa March 9 dahil sa open forum o gay summit na project ni Mayor John Rey Tiangco.
Lalong minahal si Papa John Rey ng mga vaklush dahil sa pagpapahalaga na ipinakikita niya sa talent ng mga miyembro ng third sex.
Mahigit sa 500 bading ang inaasahang dadalo upang makiisa sa open forum at skills competition na inihahanda ng Gender and Development (GAD) Council at ni Papa John Rey.
“Naniniwala ang kasalukuyang administrasyon na may pantay na galing at kakayahan ang mga homoseÂxual tulad ng mga kababaihan at kalalakihan na marapat lamang kilalanin ng mga Navoteño,†ang sabi ni Papa John Rey na ikinatuwa ng mga baklita na nag-diaÂlogue na parang narating na rin nila ang heaven dahil sa good news na kanilang narinig.