Tsugi na!

May tsikang kumakalat na tatapusin na raw ang Kailangan Ko’y Ikaw at ito ay dahil umano sa pagseselos ni Mariel Rodriguez sa love scenes nina Kris Aquino at Robin Padilla.

Pero nang makausap namin si Kris few days ago, aniya ay 12 weeks lang naman talaga ang original plan for the soap.

 â€œIt’s really 12 weeks, honest to God, even the time that it was presented, 12 weeks lang talaga siya tatakbo,” say ni Kris.

Ayon pa sa Queen of All Media, hindi rin naman daw siya pabor sa ini-stretch ang story.

Nilinaw din namin kay Kris ang tsikang babalik siya sa The Buzz at say niya ay hindi raw. Basta may bago raw siyang show at hindi pa raw siya allowed na sabihin kung ano ito.

Basta ang plano raw niya sa ngayon ay bumili muna ng bahay na lilipatan nilang mag-iina since gusto na nga ng panganay niyang si Joshua ay sa isang subdivision na nakakapag-bike siya at nakakapag-jog.

Mga taga-Protégé nagkaka-inlaban na!

Mukhang totoo ang tsika sa amin ng ilang fans na may MU (mutual understanding) sina Mikoy Morales and Thea Tolentino ng Protege: The Battle For The Big Artista Break na matatandaang nagtapos last year.

Sa nakaraang Junior Senior Prom ni Thea, si Mikoy ang kanyang escort at talaga namang hot topic sa Facebook and Twitter ang kanilang mga photos dahil in fairness, bagay na bagay nga sila.

Ang nakakaintriga rito, ang winner ng Protégé na si Jeric Gonzalez ang ka-love team ni Thea sa TGIS Tee Gen ng GMA-7 kaya nakapagtatakang si Mikoy ang escort niya sa JS Prom kung wala silang relasyon.

Nakakatuwa ang comment ng mga fans sa mga larawan nina Mikoy at Thea at super-kilig talaga sila. Ang dami ngang comments na sana raw ay pagtambalin din ng GMA-7 ang dalawa dahil mas bagay daw si Thea kay Mikoy than Jeric.

We learned na noon pa pala may clamor ang fans na pagtambalin sina Thea and Mikoy dahil sa Protegee ay sila talaga ang magka-loveteam.

It just so happened na nang parehong manalo sina Jeric and Thea sa Protege, sila na ang ginawang love team.

As for Mikoy naman, kararating lang niya from Lebanon kung saan ay nag-perform siya para sa Pinoy Community. Two weeks siya roon kaya two Sundays din siyang hindi napanood sa Party Pilipinas.

Nag-iipon na rin si Mikoy ng mga compositions niya since ang isa pa nga niyang talent ay mag-compose. So far, may 4 original songs na siyang nagagawa habang wala pa siyang pinagkakaabalahang soap sa GMA-7.

Natutuwa rin ang kanyang manager na si Becky Aguila sa determinasyon niya at pagka-hardworking.

 â€œMasipag na bata ‘yang si Mikoy. Hindi siya ‘yung tipong nag-aaksaya ng oras at pagimik-gimik lang. Sabi ko nga sa kanya, create song na ala-Gangnam Style,” say ni Tita Becky.

 

 

Show comments