Gerald sulit ang gastos kay Maja!
Sa mga aktres na may Valentine date, ang feeling na pinakamahaba ang buhok at pinag-uusapan pa hanggang ngayon ay si Maja Salvador. Ibang klase kasi ang ‘‘simpleng’’ lunch nila ni Gerald Anderson sa Tagaytay.
Sakay ang magsing-irog ng isang chartered helicopter, papunta sa Tagaytay at pabalik sa Maynila. Kasama sa package ang isang bouquet of roses, teddy bear, at Belgian chocolates for Maja. Meron pa silang tinunggang bottle of champagne. Lahat ng ito sa halagang mahigit P100,000 lang naman!
Sa ganda ba naman ni Maja, kahit kalahati o isang milyong piso pa ang gastahin sa isang date sulit na sulit para kay Gerald!
Ano naman kaya ang nangyari kina Kim Chiu at Xian Lim noong Love Day? Wala naman po sila sa Chinatown.
Cesar may basbas ni Erap
Bago tinanggap ni Cesar Montano ang maging lead actor at director sa Alfredo S. Lim: The Untold Story, sinadya na niya ang personal si former Pres. Joseph “Erap†Estrada. Ipinaalam niya ang nasabing biopic sa dating pangulo.
Ibinigay naman agad ni Erap ang basbas upang ituloy ang proyekto at sinabi kay Montano na trabaho o hanapbuhay ito kaya dapat niyang gawin.
Kaya maluwag ang kanyang dibdib na makabuo ng isang magandang pelikula na ipapalabas na sa Feb. 27. May posibilidad pa ito na mapadala sa mga international film festival.
Dapat Tama ni Gloc 9 bagay kay Rocco
Mukhang nahuli ang launching ng Dapat Tama theme song ng GMA 7 na napanood namin sa 24 Oras last Feb. 11. Kinanta ito nina Gloc 9 at Denise Barbacena.
Sayang, nangyari na ang sayaw nina Rocco Nacino and company that Sunday at bumaba na rin ang hatol ng Movie and Television Review and Classification Board.
Chinese na Miss World feel mag-artista sa ‘Pinas
Gustong lumabas sa Pinoy movie ng reigning Miss World Wenxia Yu. Madaling magkatotoo ang wish ng beauty queen mula sa China.
Marami namang makukuhang interpreter ng Mandarin sa ating bansa. Marami sa mga Filipino/Chinese ang fluent sa lingguwaheng ito.
Sexy actress-producer nade-delay sa binubuong pelikula, ’Kanong dyowa tumigil na sa pagbibigay ng puhunan
Na-delay ang pagkabuo ng isang pelikula na ang bida ay isang actress/producer. Ang siyete, tumigil ng pagbibigay ng puhunan ang kanyang ka-live-in na ’Kano. Nagrereklamo na ang banyaga sa sobrang gastos ng sexy star.
Ang malaking problema niya ngayon ay kung paano tatapusin ang kanyang project. Ayaw naman siyang bigyan ng advance ng mga sinehan, na may utang pa sa kanya, dahil hindi pa naibigay ang kanyang share sa unang pelikula.
Sa mga gustong maging film producer, dapat kumpleto na o hawak na ninyo (maaaring naka-deposit na sa bangko) ang buong investment bago simulan ang proyekto.
Kahit galing pa ito sa sariling pera o dagdag na puhunan from financiers, kumpletuhin agad ang sapat na puhunan. Mahirap na ang mabitin sa kalaÂgitnaan at maperder (mabitin) ang inyong proyekto.
- Latest