Ayaw nang balikan ang asawa Sunshine gusto nang ibenta ang bahay nila ni Cesar

Maraming rebelasyon si Alfie Lo­ren­zo tungkol sa relasyon nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Gusto na raw ni Sunshine na ibenta ang bahay nila ni Cesar sa Tivoli Royale subdivision sa Quezon City dahil desidido na siya na makipaghiwalay sa asawa.

Si Alfie ang manager ni Sunshine at hindi siya naniniwala na matutuloy ang paghihiwalay ng magdyowa dahil in love in love kay Cesar ang kanyang alaga.

Kulay pulitika?!

Nakakaloka naman ang nangyari sa aktor at Manila City Vice Mayor Isko Moreno noong Linggo.

Hinuli at dinala siya ng mga pulis sa presinto dahil umano sa illegal gambling. Shocking dahil ngayon ko lang nalaman na isang uri pala ng illegal gambling ang paglalaro ng bingo.

Pansamantala siyang naroon pati na ang mga konsehal na kasama niya ng mga pulis na umaresto sa kanila. Sinabi ni Isko na walang kaso na isasampa laban sa kanya kaya walang dapat ipag-alala ang mga supporter niya.

Dahil sa nangyari, nilagyan ng kulay pulitika ang pagdakip kay Isko at sa mga kasama nito. Nadadamay ang pangalan ni Manila City Mayor Alfredo Lim na political opponent ni Isko bilang ito ang running mate ni Papa Joseph Estrada na kakandidatong alkalde ng Maynila sa May 2013.

Hindi pinabayaan ni Papa Erap si Isko dahil kahit birthday party ng kanyang anak na si Senator Jinggoy Estrada noong Sabado, nagpahayag siya ng suporta at tulong sa running mate niya. How nice of Papa Erap ’di ba?

Erap at Dr. Loi nag-Gangnam

Invited ako sa birthday party ni Papa Jinggoy pero hindi ako nakapunta dahil siguradong aabutin ng gabi ang okasyon na dinaluhan ng mga who’s who sa pulitika at showbiz.

Siyempre, nanghinayang ako sa hindi ko pagpunta dahil nabalitaan ko na bongga ang mga production number kaya nag-stay talaga ang mga bisita kahit dis-oras na nang gabi.

Na-miss ko ang pagsayaw nina Papa Erap at Dr. Loi Ejercito ng Oppa Gangnam Style. Balitang-balita na ang husay-husay ni Papa Erap na su­mayaw, kesehodang 75 years old na siya. I’m sure may kinalaman ang stem cell therapy ni Papa Erap sa Germany kaya malaki ang improvement ng kanyang health.

Pareho kami ng ospital sa Germany na pinuntahan ni Papa Erap. Kung nakakapagsayaw na siya ngayon ng Gangnam Style, kaya ko na rin.

Complete attendance ang Legends sa birthday party ni Papa Jinggoy. Ang Legends ang grupo nina Lorna Tolentino, Amy Austria, Sandy Andolong, Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Phillip Salvador, Bong Revilla, Jr., Lani Mercado, Laurice Guillen, Lyn Ynchausti, Edgar Mortiz, at iba pa.

May song number ang Legends at ‘yon ang isa sa mga birthday gift nila kay Jinggoy na iyak nang iyak dahil sa mga surprise na napanood niya.

Buhay ni Mommy Elvie binalikan, nakakaiyak

Nakakaiyak ang story kahapon ng H.O.T. TV tungkol kay Mommy Elvie Villasanta, ang nanay ni Ariel Villasanta at tiya ni Papa Joey de Leon.
   Nakakaiyak dahil binalikan ng H.O.T. TV ang bucket list ni Mommy Elvie na sumakabilang-buhay dahil sa kanser.

Touching ang story dahil bago siya pumanaw, natupad ang ilan sa mga wish ni Mommy Elvie. Na-meet niya nang personal sina Vice President Jojo Binay, Ai Ai delas Alas, at si Mang Dolphy.

Dahil sa nakakaiyak na kuwento, halos mapaluha rin ang H.O.T. TV host na si Roderick Paulate na mahal na mahal din ang kanyang ina na namayapa na rin. Naka-relate si Roderick sa mga kuwento ni Ariel dahil ulila na rin siya sa ina.

 

Show comments