Soon to be a young millionaire ang 2012 Little Miss Philippines na si Ryzza Mae Dizon at mainstay ng Eat Bulaga. Nadagdagan pa ng ilang episodes ang ongoing na donuts TV commercial at babayaran siya ng aabot na sa milyon. Pero ang bagets, mas gusto munang makabili ng bahay na mayroon siyang mapaglalaruan na malapit sa Broadway CenÂÂtrum studio (New Manila, Quezon City) ng Eat Bulaga kesa bumili ng bagong car. Kaya mag-iipon pa siya.
Good news, hindi na maabot ang bagets dahil sa March 15, special guest siya sa Jose, Wally Concert: A Party for Every Juan sa Smart-Araneta Coliseum. Siguradong bukod sa pagsayaw ng cha-cha, kakantahin niya ang favorite song niyang Pusong Bato.
Personal na problema ni Cesar mas pinag-uusapan!
Nakakahinayang naman na sa halip na ang pagdidirek, pagpo-produce at pagganap ni Cesar Montano sa Alfredo S. Lim: The Untold Story, ang personal niyang buhay ang pinag-usapan noong presscon ng movie, the fourth episode ng buhay ng kasalukuyang mayor ng Manila. Based sa full trailer ng movie, makikita ang magandang story ng isang batang lumaki sa ampunan na kulang sa pagmamahal ng magulang pero hindi sumuko sa laban ng buhay at lumaki sa pangangalaga ng kanyang lola at lolo.
Worth din pag-usapan ang ibang artistang gumanap ng important roles, like si Marc Abaya na gumanap bilang si Charlie Zaragoza, ang No.1 bank robber na nakakuha ng katapat kay Gen. Alfredo Lim. Napakahusay na artista ni Marc at para sa kanya, dream come true na maidirek siya ni Cesar.
Napapanood daw kasi niya noon si Cesar na idinidirek ng mother niya, ang yumao nang si Marilou Diaz-Abaya, kaya kahit pagod na sa taping niya noon ng Forever sa GMA 7 ay masaya pa rin siyang nag-report sa first shooting day niya. Alam niyang masaya ang mom niya na naidirek siya at nakasama rin sa eksena si Cesar.