^

Pang Movies

Awayan nina Sen. Miriam at Sen. Lacson, mas malala pa ang bangayan sa showbiz!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakakaloka ang word war nina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Sen. Ping Lacson.

Tinalbugan pa nila ang away ng mga artista ha? Naloka ang lahat nang tawagin na “Pinky” ni Mama Miriam si Sen. Ping na nagsabi na hindi siya bakla!

Mahihiya ang mga palaban na artista sa sagutan nina Mama Miriam at Papa Ping. Hindi nila kinaya ang mga statement ni Mama Miriam na hindi nauubusan ng mga pick-up line na nakakatawa at ikinakaaliw ng mga tao.

Yasmien 20 lbs. na lang bubunuin, 50 lbs. na ang nawalang taba pagkapanganak

Happy si Yasmien Kurdi dahil first Valentine’s Day na may anak na sila ng kanyang mister na si Rey Soldevilla, Jr.

Kumpleto na ang pagiging babae ni Yasmien at nakadagdag sa happiness niya ang good news na  130 lbs. na ang kanyang timbang.

Fifty four pounds ang nawala sa katawan niya nang isilang nito ang anak na si Ayesha noong November 2012 at kahapon ay twenty pounds na lang ang kailangan ni Yasmien na bunuin para bumalik ang kanyang ideal weight.

May plano siyang bumalik sa showbiz pero hindi siya nagmamadali. Priority niya ang pag-aalaga sa anak nila ni Rey. Hindi naman mahihirapan si Yasmien na makabalik dahil may ta­lent siya.

Hindi natin dapat makalimutan na mahusay na singer at maga­ling na aktres si Yasmien na pinili na talikuran ang showbiz para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Lian TH na magpakasaya sa araw ng mga puso

Trying to be happy ang sagot ni Lian Paz sa mga nangumusta sa kanya kahapon bilang Araw ng mga Puso.

Alam ng lahat na masalimuot ang paghihiwalay nina Lian at Paolo Contis. May mga gumagawa ng paraan na magkabati sila pero mangyayari lamang ‘yon kung talagang gusto nila.

Tanging sina Lian at Paolo, pati na ang panahon, ang makapagsasabi kung magkakaroon ng Part 2 ang kanilang love affair na biniyayaan ng dalawang cute na cute na bata.

Marc hindi makapaniwalang nakatrabaho si Cesar

Nanghihinayang si Marc Abaya dahil hindi naabutan ng kanyang ina ang pagsasama nila ni Cesar Montano sa isang pelikula.

Si Marc ang isa sa mga kontrabida sa Alfredo S. Lim: The Untold Story, ang pelikula na pinagbibidahan at mula sa direksiyon ni Cesar.

Anak si Marc ng yumaong direktor na si Ma­rilou Diaz-Abaya na isa sa mga mentor at favorite director ni Cesar.

Hindi makapaniwala si Marc na mabibigyan siya ng chance na makatrabaho si Cesar na itinutu­ring niya na older brother. Ang sabi ni Marc, siguradong natutuwa ang nanay niya, kung saan man ito naroroon, dahil sa pagsasama nila ni Cesar sa isang movie project.

Sheena bongga ang ipinalit kay Rocco

Nawalan ng love life si Sheena Halili nang mag­hiwalay sila ni Rocco Nacino pero nagkaroon naman ito ng magandang kapalit, ang bonggang role niya sa Indio.

Hindi ko nakakaligtaan na panoorin ang Indio kaya alam ko na maganda at importante sa kuwento ng Indio ang karakter na ginagampanan ni Sheena.

ALFREDO S

INDIO

LIAN

MAMA MIRIAM

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with