^

Pang Movies

Model turned actor suko na sa showbiz, pakakasalan na lang ang gf magnenegosyo sa ibang bansa

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Frustrated ang male model-turned-actor sa kanyang naging showbiz career kaya nagdesisyon na itong mag-asawa na lang at asikasuhin na lang ang business na tinayo nila ng magiging misis niya sa ibang bansa.

Kung tutuusin ay puwede pa naman maremedyuhan ang male model-turned-actor. May offers pa rin naman siyang natatanggap, pero ayon nga sa manager nito ay ayaw na nitong mag-showbiz dahil masyado na raw ang mga natanggap nitong panlalait mula sa maraming tao.

“Lagi na lang kasing inookray ang acting niya. Matigas kasi ang ulo niya. Ayaw niyang mag-workshop. Sayang lang daw ang oras niya. Tutal ang katawan lang naman daw niya ang parating dini-display, kailangan pa raw ba niyang mag-acting workshop?

 â€œKaya panay ang okray sa kanya. Ayun napuruhan na. Noong una, dine-dedma lang niya. Pero hindi nagtagal, apektado na siya sa mga lait.

 â€œKaya ayaw na niya. Sobra na raw. Bigla ngang naging sensitive! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabay tawa ng source namin.

Ngayon ay may kinakasama na itong starlet na hindi rin sumikat-sikat pero ga­ling sa may kayang pamilya.

Nag-live in sila ng tatlong taon at nga­yon ay pinaplano na nilang magpakasal. May business silang tinayo sa ibang bansa at doon na nga naka-base ang dalawa.

Umuuwi na lang dito ang male model kapag may mga trabaho siya. Kung wala, ang business niya ang kanyang pinagkakaabalahan.

Natsismis pa nga noon na binahay ng isang kilalang designer ang male model bago nito nakilala ang sexy starlet. Ito raw ang nagbigay ng negosyo sa male model.

Pero tuwing tinatanong siya tungkol dito ay todo deny siya. Mula raw sa pagtatrabaho galing ang naipundar niyang business.

 â€œYun ba ang claim niya? Sige na nga...” huling hirit pa ng source namin.

vuukle comment

AYAW

AYUN

BIGLA

KAYA

LAGI

LANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with