Mommy Elvie iniwan na si Ariel

Sumakabilang-buhay na noong Biyernes ng hapon ang pinakamamahal na ina ng komedyanteng si Ariel Villasanta na si Mommy Elvie. Nakilala si Mommy Elvie dahil naging bida na rin ito sa sariling reality-comedy show sa GMA News TV na Mommy Elvie@18.

Naka-three seasons ang show at kabilang sa mga naging episode ay ang pagka-confine nito sa ospital para maoperahan dahil sa sakit nitong breast cancer na nasa Stage 4.

Noong February 2012 ay pinalabas ang episode na iyon at eksaktong naka-one year pang na-extend ang buhay ni Mommy Elvie.

Marami ang natutuwa kay Mommy Elvie dahil sa ibang pananaw nito sa buhay. Kahit na nasa twilight years na siya (84 years old), marami pa rin siyang gustong gawin at natupad naman ang lahat na nakalista sa bucket list niya. Para sa kanya it’s never too late to dream.

Tiyak na hindi muna makakapagsalita ang anak niyang si Ariel dahil sobrang mahal nito ang kanyang ina. Nag-iisang anak lang kasi ang komedyante na nakilala sa tandem na Maverick & Ariel at matagal na ring pumanaw ang kanyang ama.

Boyfriend ng starlet walang manners, nabiktima ang TV host

Sobrang turned off ang female TV host na ito sa nonshowbiz boyfriend ng isang sexy starlet. Naging guest kasi si sexy starlet sa isang show at nakasabay niya ang female TV host.

Proud pa naman daw si sexy starlet na ipakilala nito ang kanyang boyfriend sa lahat ng mga tao sa studio, kabilang na si female TV host.

Naloka lang si female TV host dahil noong ipakilala sa kanya ang boyfriend, hindi man lang kasi ito tumayo bilang paggalang. Ang ginawa lang nito ay tiningnan lang siya at tumango lang.

Ang ginawa ng female TV host ay siya ang tumayo at nag-extend ng kanyang kamay para batiin ang boyfriend ng sexy starlet. Ipinakita lang niya kung paano maging magalang kapag ipinapakilala ang isang tao.

Dun lang mukhang napahiya ang boyfriend kaya tumayo ito at nakikamay na.

Sa sobrang hiya ni sexy starlet ay hindi na muna ito nagpakita sa female TV host at sinabihan ang boyfriend nito na umalis muna at balikan na lang siya pagkatapos ng taping.

Lumapit si sexy starlet kay female TV host after ng taping at nag-sorry ito sa inasal ng jologs niyang boyfriend.

Dahil nga sa nangyari, nangako si sexy starlet na hindi na dadalhin ang boyfriend nitong walang manners dahil siya  ang napapahiya.

Show comments