Hindi natuloy ang story conference kahapon ng movie na gagawin nina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, at Vice Ganda dahil na-confine sa hospital si Vice na ilang araw nang nagpapabalik-baÂlik ang fever pero nagri-report pa rin sa It’s Showtime.
Hindi rin muna tuloy ang first shooting day nila sa Feb. 12 under Wenn Deramas for Viva Films.
Former Rep. Cynthia Villar tuloy ang proyekto sa Water Lilies
Medyo na-late si former Rep. Cynthia Villar sa advanced Valentine dinner and tsiÂkaÂhan with some entertainment press last Thursday evening. Galing daw kasi siya sa taping sa kanilang Tagaytay house ng H.O.T. TV ng GMA 7. Maganda ang ambianÂce ng house dahil napapalibutan ng green trees. Bale naroon pala silang buong pamilya kung weekend.
Natanong si Mrs. Villar, na ngayon ay kandidatong senador under sa P-Noy team, kung kukuha ba siya ng endorser para sa kanyang kampanya?
Wala raw siyang balak dahil sapat na si Pres. NoyÂnoy AquiÂno na mag-endorse sa kaÂniÂlang 12 senador. Tatakbo raw siya on the basis of her advocaÂcies na tinawag nga siyang “Misis Hanep Buhay†daÂhil sa pagbibigay niya ng livelihood program sa maÂhigit nang 500 families in Las Piñas.
“At ito ang isini-share ko sa lahat ng lugar na piÂnuÂpuntahan ko,†kuwento ni Mrs. Villar. “Isa sa mga proyekto ko ang paggawa ng water lily products na malilinis na nila ang mga ilog nila sa water lilies ay kikita pa sila. Gusto kong mabigyan ng trabaho kahit iyong mga hindi nakatapos ng high school. Pero ang priority ko kapag nanalo akong senador ay ang muÂling pagsusulong ng creation ng Department of OFWs na sinimulan ni Senator Manny Villar at ang pagÂtutuon ko sa agriculture ng bansa na may 70 percent ang farmland sa bansa. Nagsimula na kaÂming gumawa ng organic fertilizers sa Las Piñas at ibinibigay namin ito nang libre sa mga farmer na luÂmalapit sa amin.â€