^

Pang Movies

Kahit hiwalay, Dennis nakakaraos sa pagpapa-aral ng mga anak

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nagsisikap si Dennis Padilla na itaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak kahit patuloy ang pagtaas ng matrikula.

Ang kanyang dalawang anak sa first wife ay gra­duating na sa La Salle (St. Benilde College) at St. Paul, Quezon City this school year. Nagpapasalamat siya sa pagtulong ni Marjorie Barretto sa pag-aaral ng kanilang tatlong anak.

Palibhasa, lahat silang magkakapatid napagtapos ng college ng kanyang yumaong amang si Dencio Padilla, sa malaking tulong ni Fernando Poe, Jr., kaya lubhang mahalaga sa kanilang pamilya ang edukasyon.

Simula nang maghiwalay sila ni Marjorie, hindi na sila nagkausap. Ang anak niyang panganay sa actress/politician ang nag-aayos ng minsan isang linggo nilang pagkikita.

“Kapag bakasyon, dalawang beses kaming nagkakasama,” sabi ni Dennis.

Maraming beses na silang nagkasama sa pelikula nina Mayor Herbert Bautista at Andrew E. Pinagmamalaki ni Dennis na lahat ng kanilang movies, pawang mga blockbuster kaya’t optimistic siyang magiging big hit ang bagong Raketeros, produced by Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista Sarmiento and directed by Randy Santiago.

Dalawang aktres hindi pareho ang sistema nang pagpapalaki sa mga anak na foreigner ang ama

Panay ang kayod ng isang aktres upang masuportahan ang pag-aaral ng kanyang mga anak.

Tumigil na kasi ang sustento ng mga bata, galing sa Japanese businessman.

Ang isang former actress naman, halos siya ang umuubos sa padala ng ama ng kanyang anak. Nagpasiya tuloy ang bata na doon na sa bayan ng ama manirahan. Diretso pa niyang natatanggap ang tulong na galing sa kanyang tatay.

Aktor na macho pambabae ang pangalan

Feminine ang dating ng first name ng commercial mo­del turned actor na si Allyson Andres kahit macho ang da­ting niya.

“A part of my first name galing sa Lola Azon ko,” say ni Andres. “Kaya nag-decide akong Andres na ang gamiting screen name.”

Bilang Andres, kasali siya as the driver sa TV5 game show na Jeepney Jackpot: Para o Pera.

Kaya napapanood siya sa TV, Monday to Friday, 5:00 p.m. Bukod dito, busy siya sa paglabas sa mga teledrama. Andres plays the role of Piolo Pacual’s friend in ABS-CBN’s Apoy sa Dagat.

Every Saturday ang taping nila ng Jeepney Jackpot, kaya may mga araw pa siyang lumalabas sa ibang TV show.

LJ tuwang-tuwa sa pagka-proud ni Paulo sa kanilang anak

Kahit taliwas sa mga tsismis, very secure si LJ Reyes sa relasyon nila ni Paulo Avelino. Kaya’t kahit kanino pa ma-link ang aktor tahimik lang si LJ dahil alam niyang mahal sila ng kanilang anak na si Ethan Akio ni Paulo.

Tuwang-tuwa nga si LJ nang banggitin ni Paulo ang kanilang two-year-old son sa acceptance speech ng aktor nang magwagi sa Urian Awards for Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Nora at Eddie puwedeng iboto para manalo  sa Asian Film Awards

Finalist as best actress at best actor, respectively sina Nora Aunor (Thy Womb) at Eddie Garcia (Bwakaw) para sa Asian Film Awards in Hong Kong next month. Puwede kayong bumoto online ipang magwagi sila sa People’s Choice category. Via http://hk.promotions.yahoo.com/movie/afa2013.

ANAK

ANDRES

ASIAN FILM AWARDS

JEEPNEY JACKPOT

KAYA

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with