Aging actress hindi pinatulan ng aktor na tinuruang umarte

Akala ng isang aging actress, may gusto sa kanya ang isang macho actor na mahilig pumatol sa mga wrangler (may edad).

Naging very close silang dalawa, hanggang regaluhan pa ng menchi ang gurang ng gold bracelet. ‘Yon naman ay pasasalamat sa libreng acting lessons na bigay ng aktres kay pogi.

Nainip na ang drama tutor, hindi man lang nag-first move ang aktor. Talagang hindi puwede dahil magagalit ang secret lover ni pogi, na isang separadang aktres!

Mr. Fu sinuwerte

Kahit katiting na Chinese blood, wala si Mr. Fu. Jeffrey Espiritu ang tunay niyang pa­ngalan. Kaya niya ginamit ang current showbiz monicker, dahil ang ibig sabihin nito ay good fortune.

Nagpunta pa siya sa Hong Kong upang magpagawa ng rubber stamp ng Chinese character na Fu. Sinuwerte naman siya at ngayon ay host na ng sariling niyang game show on TV5, Jeepney Jackpot: Pera o Para.

The show co-hosted by Valeen Montenegro and Saida Diola, with Andres as the very appealing driver, airs Monday to Friday, every 5:00 p.m.

Mahigit sampung taon na si Mr. Fu sa TV at nagsimula siyang sumikat nang pumasok sa showbiz. Walong taon siyang police reporter sa news program ng RPN-9.

“Forte ko talaga ang hosting,” say ni Mr. Fu. “Kaya hindi ako tumanggap ng mga acting offer, kahit sa mga sitcom.

Wala siyang confidence sa pag-arte, kahit sa mga comedy shows. Inalok din siya ng stand-up comedy sa mga bars, pero tinanggihan niya. Feeling  ni Mr. Fu, hindi niya kayang magpatawa with a live audience. Sa hosting, kahit maghapon kayang-kaya niya.

Enjoy naman siya sa jeepney jackpot na nagbibigay na cash prize na hanggang P50,00 sa winning contestant, at iba pang premyo tulad ng kabuhayan package.

Panganay sa magkakapatid si Mr. Fu, kaya’t hindi biyuda ang kanyang ina, siya ang tumayong breadwinner. Nagpapasalamat siya at nabibigyan ng break ng Kapatid Network.

Dennis Trillo matindi kung magalit

Deny bigla si Dennis Trillo sa tanong kung may away talaga sila ng kanyang co-star sa Temptation of Wife na si Glaiza De Castro. He insists that lahat nang napapanood sa TV, acting lang talaga.

“Please don’t be carried away,” pakiusap ni Dennis. “Mahusay talagang umarte si Glaiza”

April Boy Regino nawala na sa eksena matapos gumaling sa cancer

Maraming nagtatanong kung nasa bansa pa si April Boy Regino. May nangyari ba sa kanyang comeback at pagpasok sa showbiz ng kanyang anak?

Ilang taon na ba nang napabalitang gumaling si April Boy sa sakit na cancer? Hindi siya naging successful sa States kaya bumalik sa Pilipinas. Hindi na naman visible ang dating idolo ng masa.

Show comments