Coco at Julia malakas kahit walang relasyon!

Ang sinasabi nila, isang naiibang Va­len­ºtines offering ang A Moment in Time nina Coco Martin at Julia Montes. Naiiba siguro ang approach sa kuwento, at saka siguro dahil umaamin ang dalawang bida na wala talaga silang relasyon. Ang isa pang kaibahan, siguro nga kasi masasabing tested in time ang kanilang popularidad bilang isang love team. Ilang buwan din silang sinubaybayan ng mga tao sa kanilang ginawang serye na number one sa prime time, at sinasabi man nilang hindi sila, ok pa rin iyon sa publiko.

Maski naman noong araw, hindi lahat ng magka-love team, nagkakatuluyan at nagkakaligawan. Minsan kasi pinagtatambal sila, may nakikitang magic sa kanila ang mga tao, at nagugustuhan ang kanilang love team, pero sa totoo lang hindi naman sila ang talagang nagkakagustuhan. Pipilitin ba nila ang kanilang sarili?

Pero diyan mo makikita kung gaano kahuhusay silang mga artista. Kung napapalabas nila ang ganoong emosyon kahit na hindi naman totoong magsyota sila, iyon ang matindi talaga.

Dating bold star gustong magpahada sa dating young actor na kuntento sa buhay may asawa’t anak na!

Hanggang ngayon daw, panay pa rin ang padala ng text ng isang dating sikat na sexy female star sa isang dating young male star na may asawa’t anak na ngayon. Sinasabi raw ng female bold star na ok pa rin sa kanya ang makipag-date sa dating young male star, na kuntento na naman ngayon sa kanyang buhay may asawa at ayaw na ng kalokohan.

 

Show comments