Coco Martin gustong sundan ang career ni Eddie Garcia

Very proud din si Coco Martin dahil ma­ka­kasama rin niya si Eddie Garcia sa Juan dela Cruz.

“Idolo ko si Tito Eddie at sana masundan ko ang yapak niya. Sana humaba pa ang takbo ng career ko gaya niya,” asam ni Coco.

Isa pa sa magandang katangian ng Kapamilya actor ay hindi siya namimili ng role. Kahit bigyan pa siya ng supporting role ay tatanggapin niya dahil mas mahalaga sa kanya ang pagmamahal at dedikasyon sa trabaho.

Angel tumanggap ng award sa People Asia

Isang napakalaking karangalan para kay Angel Locsin na mapabilang sa mga kilalang personalidad na tumanggap ng People of the Year Award mula sa People Asia Magazine noong Lunes sa Makati City.

Pinarangalan ang aktres sa entertainment sector dahil sa husay nitong artista at nakakatulong din sa mga kapuspalad sa oras ng kalamidad bilang aktibong miyembro ng Philippine National Red Cross.

Erich inisnab ang pagpaparamdam ni Coco

First time na nagkatrabaho sina Erich Gonzales at Coco Martin bilang magkapareha sa fantaserye. Hanga siya sa leading man dahil napaka-propesyonal nito at dedicated sa trabaho bilang aktor.

Proud siya kapag tinititigan ni Coco kasi inamin ng aktor na kinikilig siya pero inisnab niya.

Show comments