Dawn nagulantang sa nangyari kay Maricel!
Nagpatawag ng press junket ang Dreamscape ng ABS-CBN (the producer of Bukas Na lang Kita Mamahalin) last Monday para pormal nang ihayag na si Dawn Zulueta na nga ang makakasama ni Gerald Anderson sa Bukas na Lang Kita Mamahalin.
As we all know, dating kay Maricel Soriano ang role pero dahil nga sa insidenteng nangyari sa kanila ni Gerald sa taping ay tinanggal ang Diamond Star sa cast.
Kung paano inalok sa kanya ang role at kung paÂano niya rin ito tinanggap, ani Dawn ay basta ipiÂÂnatawag na lang daw siya ng management for a meeting.
“As soon as the official statement came out, we got a call from Kylie (of ABS-CBN), the BUH (business unit head) was asking for a meeting. But at that time I had no idea what the meeting was all about,†kuwento ni Dawn.
Ang alam daw niya ay may teleserye siya talagang gagawin after Walang Hanggan pero sa June pa sana sila magsisimula nito, pagkatapos ng eleksiÂyon.
Tatakbo ang asawa niyang si Anton Lagdameo para sa ikatlong termino nito bilang Representative at siyempre, napag-usapan na nilang mag-asawa na buong summer ay nasa Davao del Norte silang mag-anak para sa kampanya.
“So, nung pinatawag kami, akala ko ‘yung teleserye na uumpisahan sa June (ang pag-uusapan). And then, eto, the meeting pala was all about this.â€
Of course, natanong sa kanya kung ano ang feeling niya tungkol sa Maricel-Gerald incident and the fact na siya nga ang pumalit sa role ni Maria.
“Si Ate Maricel naman, I look up to her, she’s a very dear colleague in our industry. And when I heard the news, hindi ako makapaniwala. We were just together last Christmas and I was telling her, “wow, congratulations, may teleserye ka ngayon’. Who would have thought that this is going to happen?
“This is very unfortunate but I assure, I have nothing to do with it,†she said laughing.
When it comes to working with Gerald, ani Dawn ay second time na niyang makasama ang aktor. Una silang nagkasama sa pelikulang Catch Me I’m in Love with Sarah Geronimo kung saan ay gumanap siyang ina ng aktor.
Dahil nga ang intriga kay Gerald ay hindi ito makaarte nang tama na ikinairita ni Maria, natanong si Dawn kung may na-experience ba siyang ganun sa aktor nang magkasama sila noon.
“The few scenes that we had sa movie namin, hindi naman ako nahirapan sa kanya, eh. As a matter of fact, I found that he was very focused. And he came to the set prepared. After that, I observed him when he was doing Budoy, and I really think that he improved even more as an actor.â€
Next week ay magsisimula nang mag-taping si Dawn and when asked kung ano na ang mangÂyaÂyari sa isa pang teleserye na uumpisahan niya sana sa June, ayon sa business unit head na si Deo Endrinal ay tuloy pa rin sa aktres ‘yun at baka ma-move lang ng July.
- Latest