Muntik nang mag-stampede ang fans ni Marian Rivera sa autograph-signing event niya noong Sunday as the cover of FHM. Mabuti na lamang inuna nila ang interview ng entertainment writers sa Cinema 1 ng Robinsons Galleria Movieworld bago umakyat sa stage ng lobby si Marian. Pero sandaling inihinto ng mga namamahala ang autograph-signing at pinayagang mag-interview muna ang TV crews pero nagalit ang mga tagahanga kaya may mga nagtulakan na at ituloy na raw lamang ang pagpirma ni Marian.
Kaya kahit five minutes pa lamang ang TV interview, itinuloy na ang event na nag-start ng 4:30 p.m. at nag-extend pa ng oras ang aktres. Reportedly, may 700 FHM copies ang napirmahan ni Marian na biro niya, in-exercise niya talaga ang kamay niya sa pagpirma.
Sa interview kay Marian, tinanong siya kung ngayong nag-pose na siya sa cover ng FHM, muli siyang mananalo bilang No. 1 cover nito? Ayaw daw niyang mag-expect kasi hindi siya bumibili ng boto at hindi rin niya ibinoboto ang sarili niya, fans ang nagpapanalo sa kanya. Sa ngayon, kinukumbinsi pala niya si Glaiza de Castro, ang kontrabida niya sa Temptation of Wife na pumayag nang maging cover ng FHM. Biro niya, nagawa na ni Chantal, dapat gawin na rin ni Heidi, ito ang mga character nila sa high-rating drama series sa GMA 7.
Nang may magtanong kung kailan sila magpapakasal ng boyfriend na si Dingdong Dantes, ang nakatawang sagot niya: “Naku, apat na taon na ninyong itinatanong iyan kaya hindi natutuloy. Basta kapag dumating na ang araw na iyon, malalaman ninyong lahat, hindi namin ililihim.â€
Aicelle Santos hindi nagpatalbog kay Dulce
Isang revelation si Aicelle Santos, ang isa sa member ng La Diva ng GMA Network, as the young Katy dela Cruz sa Katy, the Musical na mapapanood pa sa Thursday to Sunday, Jan. 24-27, 8 p.m. May mga matinee show sila at 3 p.m. pero sold out na lahat iyon. Ang husay-husay ni Aicelle sa pagsayaw at pagkanta. Nakipagsabayan din siya kay Dulce sa pag-awit ng Minsan ang Minahal ay Ako na tamang-tama sa buhay ni Katy.
Si Isay Alvarez-Sena ang older Katy dela Cruz. Pinalakpakan din bawat eksena ni Tirso Cruz III bilang tatay ni Katy na nagbigay ng comic relief sa show. Ilan pang bumuo sa cast ay sina Gian Magdangal, Lou Veloso, Epy Quizon as Dolphy, China Cojuangco, at ang gumanap na batang Katy, sina Tedda Lambujon at Leana Tabunar na ang huhusay din, at mga talent mula sa Spotlight Artists Centre.
Tumagal ng ilang minutes and standing ovation na ibinigay ng audience na kabilang sa mga nanood sina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Sandy Andolong, Ali Sotto, Maritess Gutierrez, at Direk Mark Reyes.
Ang Katy, the Musical ay libretto ni Jose Javier Reyes, musika ni Ryan Cayabyab, musical director si Mel Villena, at direktor naman si Nestor Torre.