Seduction umaasang ganito rin ang kapalaran Menor… nakapasa sa MTRCB ng walang putol

R-13 without cuts ang classification ng MTRCB sa Menor De Edad kaya hoping ang Regal Entertainment Inc. na same classification ang ibibigay ng MTRCB sa Seduction, ang sexy dramatic movie nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at Solenn Heussaff.

Bukod sa R-13 without cuts, Graded B din ng Cinema Evaluation Board ang pelikula ng Viva Films.

Marami ang nag-aabang sa Seduction dahil intrigang-intriga sila sa sexy scenes na walang takot na ginawa ng tatlong bida.

Hindi lamang sina Sarah at Solenn ang nagpaseksi dahil inamin ng direktor na si Peque Gallaga na nagpakita si Richard ng puwet sa Seduction.

Richard at Jolo, loyal sa mga babae

Natatawa na sinagot ni Richard ang tanong ng isang reporter kung naranasan na ba niya na ma-seduce at pumayag ba siya na magpa-seduce.

“Oo” ang sagot ni Richard pero hindi siya nagsabi ng pangalan bilang true gentleman siya.

May kilala ako na aktres na sinubukan na i-seduce si Richard noong magtambal sila sa pelikula. Hindi ko lang alam kung nagpa-seduce sa kanya ang anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Sa totoo lang, mukhang namana ni Ri­chard kay Annabelle ang pagiging faithful.

Hindi sila nagkakalayo ni Jolo Revilla na nagmana naman sa kanyang nanay na si Lani Mercado.

Masuwerte si Jodi Sta. Maria kay Jolo dahil loyal boyfriend ito. I should know dahil witness ako sa mga love story ni Jolo. Talagang siya pa ang pinaiiyak ng mga babae. Ganyan kasarap magmahal si Jolo at malakas ang kutob ko na pareho ang mga ugali nila ni Richard.

Tonton ligtas na sa lagare

Timing na timing ang pagwawakas ng Aryana dahil hindi  mararanasan ni Tonton Gutierrez na maglagare sa taping.

Dahil tapos na ang taping ng Aryana, wala na itong conflict sa bagong teleserye ni Tonton sa ABS-CBN, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Nag-umpisa noong Lunes ang taping ng coming soon primetime show ng Kapamilya Network at ang balita ko, sa March ang target date ng airing ng programa.

Marami ang excited sa pagsisimula ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin dahil matagal nang hindi napapanood na umaarte sa TV sina Maricel Soria­no, Dina Bonnevie, Gerald Anderson at Diana Zubiri. Kasali rin sa cast sina Rayver Cruz at Cristine Reyes.

Ara hindi umaangal kahit isang ina na

Hindi na isyu ang pagpayag ni Ara Mina na gumanap bilang nanay ni Meg Imperial sa Menor De Edad dahil mas matanda naman si Rocco Nacino kesa sa star ng pelikula.

Twenty-five years old na si Rocco na anak ni Ara sa Yesterday’s Bride at turning 20-years old si Meg sa January 20.  Kumbaga, mas may karapatan si Meg na maging anak ni Ara dahil five years younger siya kay Rocco.

 

Show comments