Iba pang singers bumabalik lang sa ’Pinas para magka-album at concert... Balikbayang singer na sikat daw sa stage play, never heard sa Amerika

Bakit maraming singers na sumikat daw sa ibang bansa na bumabalik pa sa Pilipinas upang dito mag-recording at magtanghal ng live concert?

Nasa mga press release ang isa namang emerging diva, na naging bida raw sa stage musical sa States. Say naman ng mga balikbayan na nandito ngayon, never heard sa kanila ang sinasabing sumikat doon.

Baka nga naman may kumagat na local record company. Kung wala, sila na mismo ang gagasta for the CD at ipa-release na lang sa isang kompanya, dito sa Pilipinas.

Richard at Sarah mas matindi ang ginawa pagkakatapos ng eksena

Nagkita sa isang restaurant sina Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. at ang retired film director na si Peque Gallaga nang lumawas ang huli sa Metro Manila galing sa Bacolod.

“I’ve heard that you are poor already,” diretsong bungad ng Regal matriarch sa batikang direktor. “Direct a movie for movie,” ang sundot na alok niya.

Nagkasundo naman ang dalawa at sinumulang gawin ang Seduction.

Aminado si Direk Peque na ang Seduction ang one of the most erotic films he had made and the most daring movie Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, and Solenn Heussaff have done.

“Noon ko pa gustong gumawa ng ganitong genre na ibang-iba sa mga romantic drama na madalas mapanood na ginagawa ko. This is the vehicle I have long been waiting for. Ipinakita ko lahat ang dapat makita, skin and flesh.”

Inamin pa ni Direk Peque na tutol ang mother ni Richard na si Annabele Rama na gawin ang mga sobrang daring na eksena. Buti na lang hindi na­sumpungan ng mader na nagpasyal sa set ng Seduction. Kaya madaling nakunan ang pinakamaseselang tagpo, na walang humadlang. Naibigay lahat ng comebacking director ang artistic liberty sa kanyang mga artista. Kaya may sequence na sinusundan sila ng camera, habang nag-a-ad lib at ginagawa ang gusto nilang gawin upang higit na maging makatotohanan at maganda ang eksena.

Ma-approve sana without cuts ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Ronnie Liang nakabawi sa mga naninira

Tama ang desisyon ni Ronnie Liang na lumipat sa Viva Records. Ngayon kakainin ng mga taong naghusga sa singer na laos na ang kanilang sinabi.

No.1 agad sa charts ang bagong album ni Liang na May Minamahal. Marami pa pala siyang fans na bumili ng kanyang CD! Tiyak na hindi naman ito pinakyaw ng isang tao lang, deh ba?

Basta’t may bagong hit album si Ronnie, na maaari niyang ipagmalaki sa former record label niya. Ang susunod dito, isa agad major live concert.

Talagang nobody can put a good (and very ta­lented) man down. Kahit ano pa ang paninira ninyo, kahit ilan pang blind item isangkot si Ronnie, nasa eksena pa rin siya.

 

Show comments