Goin’ bulilit kids magbibigay ng paputok tips

MANILA, Philippines - Para sa masaya at ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon, magbibigay ang kuwelang kids ng Goin’ Bulilit ngayong Linggo (Dec. 30) ng  paputok tips kung saan may nakakaaliw na de­­monstration pa ng mga dapat at hindi dapat gawin.

Ipapakita rin ng kids ang mga nakakatawang pangyayari sa loob ng pabrika ng paputok at emergency room habang nagpapasabog sila ng katatawanan sa kanilang paputok gags.  

Magsasama-sama naman ang lahat ng kids sa “Ohh! Eww!” segment kung saan ibabahagi nila ang kanilang mga New Year’s resolution.

Hindi naman magpapahuli ang New Year version nila ng mga paboritong segments na  The Thinker, Ang Corny, at Ask Girls.

 Magpapamalas din sila ng talento sa pag-awit sa kanilang bersiyon ng One Direction hit na Live While We’re Young.

 Ang huling episode ng Goin’ Bulilit para sa taong 2012 ay tatapusin ng isang masakit sa pangang Clo­sing Game.

 

 

Show comments