Mula sa 44, Thy Womb sa 13 sinehan na lang palabas!

Nakarating sa amin ang balitang as of Saturday (Dec. 29) ay 13 sinehan na lang ang nagpapalabas ng internationally-acclaimed Thy Womb na pinagbibidahan ng ating Superstar na si Nora Aunor.

Mula sa initial theaters nito na 44 on its opening day last Dec. 25, nakakalungkot na nagsi-pull out na ang ilang sinehan hanggang sa kahapon ay nasa 13 na nga lang.

Needless to say, nag-pull out ang ibang sinehan dahil nga sa hindi raw kumikita ang pelikula. Ma­tatandaang on its opening day ay nag-gross lamang ng mahigit sa P900,000 ang pelikula.

Nakakahinayang naman dahil marami sa mga nakapanood na ay nagsasabing napakaganda ng Thy Womb at must see ang ac­ting ni Ate Guy lalo pa nga’t nanalo itong best actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival awards night.

Kaya kung minsan, hindi natin masisi ang mga producer lalo na nga ang mga independent filmma­ker kung bakit nadadala silang gumawa ng isang dekalidad na pelikula. Bigyan mo nga naman kasi ng matinong pelikula, hindi panonoorin.

Hindi rin naman namin masisi ang manonood kung ayaw nila ng mga seryosong tema at mas pinipiling panoorin ang mga comedy film. Siyempre, kaya nga raw sila nanonood ng pelikula, lalo’t filmfest, ay dahil gusto nilang mag-enjoy at maaliw.

Wish lang namin na huwag ma-discourage ang mga filmmaker sa ganitong kalakaran at patuloy pa ring gumawa ng magagandang pelikula.

AiAi pagbibigyan ang hiling ni Mommy Elvie

Kahit hiwalay na sina Cristina Decena at Ariel Villasanta, nananatiling close ang una kay Mommy Elvie na nanay ng kanyang asawa. In fact, itutuloy pa rin niya ang pagsasaere ng 4th season ng Mommy Elvie @ 18 sa 2013.

Nagsimula na nga silang mag-taping at nakaka-seven episodes na sila kasama na ang guesting ni Concert Comedy Queen AiAi delas Alas. Baka raw February ang airing ng nasabing new season.

Pumayag daw si AiAi na mag-guest kahit sa GMA 7 ito ipalalabas dahil ayon sa comedienne, kung good cause naman ay okay lang at hindi saklaw ng network war.

As we all know, ang concept ng show ni Mommy Elvie ay para tuparin ang kanyang mga kahi­lingan sa kanyang edad na 82. Isa sa kahi­li­ngan niya ay makita si AiAi kaya naman nang banggitin ito sa Concert Comedy Queen ay agad-agad itong pumayag.

Para kay Cristina, kahit hiwalay na sila ni Ariel, wala pa ring nababago sa relasyon nila ni Mommy Elvie at itinuturing pa rin niya itong tunay na nanay.

Ano ang ipinapayo sa kanya ni Mommy Elvie tungkol sa estado nila ngayon ni Ariel?

“Sinasabi niya na sana raw, bago niya ipi­kit ang mata niya, sana raw makita niya na nagkaayos kami ni Ariel kasi wala na raw babaeng makakapag-alaga kay Ariel ng tulad ng pag-aalagang ginawa ko. Sabi ko, ‘Oo naman mommy, in God’s time.’ Baka naman pagsubok lang ito,” sabi ng Gawad Amerika awardee.

Samantala, kamakailan ay tumanggap si Cristina ng Most Outstanding Philanthropist 2012 (Bayani Pilipino) award mula sa Gawad Amerika. Kasabay niyang tumanggap sina Manny Pacquiao, Bulacan Vice Governor Daniel Fernando, Manila Vice Mayor Isko Moreno, Sen. Jinggoy Estrada, Raffy Tulfo, Manny Calayan, Joel Cruz, at marami pang ibang Pilipino.

 

Show comments