Sexy actress na tinatawagan ng male celebrity pag kinakati, pinalitan na sa trono
Banned na nga sa isang kilalang condo building ang isang sexy starlet na madalas na bisita ng isang male celebrity na may unit sa naturang building.
Nagtaka ang sexy starlet kung bakit bigla siyang hindi na pinapapasok, eh madalas daw siya roon. Pero bilin daw ni male celebrity na huwag na itong paakyatin hanggang walang pasabi niya.
Naging regular visitor ni male celebrity (na produkto ng isang reality artist-search) ang sexy starlet (na dating miyembro ng isang all-girl group) nang magkakilala sila sa isang out-of-town show.
Matagal nang crush ni sexy starlet si male celebrity kaya gumawa ito ng paraan para matikman niya ito.
Nagwagi naman siya nang yayain niyang mag-inuman sila ni male celebrity sa isang resort kung saan pinatira ng producer ng show. Dun natupad ang maitim na balak ni sexy starlet kay male celebrity.
Kaya tuwing kinakati raw ang male celebrity si sexy starlet ang tinatawagan nito dahil lagi itong handa. With matching pizza pa raw ito dahil iyon ang laging request ni male celebrity na dalhin niyang pagkain.
Pero ngayon ay nagtataka ang sexy starlet kung bakit hindi na siya pinapapasok. Ilang beses niyang tinatawagan ang male celebrity pero dedma na ito sa kanyang mga tawag.
Noong sumakay na siya sa kanyang sasakyan na naka-park sa ‘di kalayuan sa condo building, nakita niya na dumarating sa condo building ang isang kasamahan niyang sexy starlet din.
At kitang-kita niya na may dala itong pizza box na tulad nang dinadala niya para sa male celebrity.
Kaya pala hindi na siya pinapaakyat dahil may iba na pala ang taga-deliver niya ng pizza at aliw.
Maritoni aprub na gawin ding masama ang anak
Isa sa kinaiinisan na kontrabida ngayon sa telebisyon ay si Maritoni Fernandez na gumaganap bilang si Belen sa early primetime series ng GMA 7 na Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.
Natatawa ngang kinuwento ni Maritoni na may mga fans na raw si Barbie Forteza na tila nagagalit na sa kanya.
Kung noon daw ay binabati pa siya ng mga ito kapag nasa set sila, ngayon daw ay parang apektado sila sa kanyang pagiging kontrabida sa gumaganap na mag-inang Barbie at Agot Isidro.
“Akala ko before, wala lang iyon kasi they know na trabaho lang.
“But the more na inaapi ko si Barbie sa show, the more na nagagalit pala sila.
“Hindi na nga nila ako binabati, eh!” tawa pa niya.
Pero ina-assure naman daw ni Maritoni na ang role niya bilang si Belen ay para lang sa show. In real life, hindi naman daw siya tulad ng ginagampanan niya sa Paroa.
“Magkaibigan sila ng anak kong si Lexi (Fernandez) kasi nga nagkasama sila sa Tween Hearts at sa Nita Negrita. They already formed a bond at natutuwa ako sa ganyan.
“Kilala ako ni Barbie at alam niyang hindi ko siya tunay na sasaktan.
Bini-build up nga rin bilang batang kontrabida ang anak niyang si Lexi. Kaya puwede nga silang mother-daughter tandem sa pagiging kontrabida.
“Why not? Like mother, like daughter, ‘di ba?” malakas na tawa pa niya.
“The more, the merrier! Pareho kaming may trabaho.
“But you know, mas gusto ko na hindi kami magkasama ni Lexi. I want her to be on her own. Kaya pakiusap ko nga sa GMA-7 na huwag na kaming pagsamahin.
“Gusto kong may sariling space ang anak ko. Ayokong agawan pa siya ng eksena,” sabi ni Maritoni.
Taylor Swift tinanghal na most charitable celebrity of 2012
Si Taylor Swift nga ang tinanghal na most charitable celebrity of 2012 ng DoSomething.org.
Ang award-winning country/pop singer ay nakapag-donate na ng higit sa $4 million to the Country Hall of Fame museum and making her the youngest person to receive the Ripple of Hope Award from Robert F. Kennedy Center for Charity Work.
May tinutulungan din na isang organization si Taylor na gumagamot sa ilang kabataan with life threatening diseases.
Ang iba pang sinama sa listahan ng DoSomething ay sila Miley Cyrus para sa kanyang tinutulungan na animal shelter; kasama rin si Channing Tatum who raised millions of dollars para sa kanyang Rainforest Foundation.
Kasama rin si Lady Gaga na tinayo ang kanyang Born This Way Foundation para labanan ang bullying at mai-promote ang acceptance and awareness sa LGBT community.
- Latest