Happy si Mother Lily Monteverde sa box office gross ng Shake, Rattle and Roll Fourteen, The Invasion sa unang araw nito sa mga sinehan noong December 25.
More than P10 million ang first day gross ng filmfest movie ni Mother at inaasahan na madaragdagan ang kita ng pelikula hanggang sa Jauary 7, 2013, ang huling araw ng MMFF. Malaki ang posibilidad na ma-extend ang showing ng SR&R XIV dahil mabilis na kumalat ang balita na maganda ang pelikula na Graded A ng Cinema Evaluation Board.
Ano pa ba ang puwede ko na sabihin kundi congrats kay Mother Lily at sa Regal Entertainment Inc.
Pagkatapos maging busy sa promo ng SR&R XIV, ang promo at publicity naman ng Seduction ang pagkakaabalahan ni Mother Lily at ng adprom staff ng Regal Entertainment Inc.
Ang Seduction ang titillating movie nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at Solenn Heussaff na ipalalabas sa mga sinehan sa January 30, 2013.
Masipag mag-promote si Richard. Gusto rin niya na maagang i-promote ang pelikula para maabangan ito ng moviegoers.
Ang Seduction ang comeback movie ng direktor na si Peque Gallaga. Excited na si Peque sa showing ng Seduction. Tinitiyak niya na gugulatin ng Seduction stars ang mga manonood ng kanilang pelikula. Ibang-ibang Richard ang mapapanood sa Seduction dahil napapayag siya ni Peque na gawin ang mga daring scene.
‘Kapalaran’ ng Thy Womb, malalaman ngayon
Malalaman natin ngayon kung dininig at sinunod ng Noranians ang panawagan ng direktor na si Tikoy Aguiluz na i-sequester nila ang MMFF Awards na ginanap kagabi sa Meralco Theater.
Hiningi ni Tikoy ang tulong ng Noranians dahil balitang-balita na na-pull out sa mga sinehan ang Thy Womb. Para kay Tikoy, mali na alisin sa mga sinehan ang pelikula ni Nora Aunor, itsurang kokonti ang nanonood.
Ipinagdarasal ng Noranians na mag-win ng best picture ang Thy Womb dahil kapag nangyari ito, ibabalik sa mga sinehan ang pelikula. Panonoorin ng curious moviegoers ang pelikula dahil gusto nilang malaman kung bakit nanalo ang filmfest entry ni Nora. Nakasalalay sa magiging resulta ng MMFF Awards ang tadhana ng Thy Womb sa box office.
Bembol takot uriratin
Hindi shocking kung hindi pinanood ng magkapatid na Felix at Dominic Roco ang Thy Womb dahil ang kanilang tatay na si Bembol Roco ang lead actor ng pelikula.
Hindi pa rin nagkikibuan ang mag-aama pero in fairness, hindi sinasabi sa media ng magkapatid ang tunay na dahilan ng malalim na galit nila sa kanilang tatay.
Afraid ang mga reporter na tanungin si Bembol tungkol sa mga hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang mga anak. Kahit papaano, nirerespeto ng mga reporter si Bembol na kinikilala bilang isa sa mga mahuhusay na aktor ng pelikulang Pilipino.