Year-End special ng Bottomline sa Sabado na

MANILA, Philippines - Sa pagsasara ng taong 2012, iba’t ibang istorya ng bagong buhay, bagong panimula, at bagong pag-asa ang ibabahagi ng PMPC Best Public Affairs host na si Boy Abunda ngayong Sabado (Dec. 29) sa unang bahagi ng year-end special ng The Bottomline with Boy Abunda. Kasama ang mga kilalang personalidad tulad nina Dingdong Dantes, Lara Quigaman, Niña Corpuz, Zendee Rose Tenerefe, Jeric Teng, Ruel Bayani, Stargazer, at Kevin Balot, balikan ang mga mahahalagahang pangyayari ngayong 2012 at tuklasin ang mga kuwento na nagsimula ng pagbabago sa kanilang mga buhay.

Ano nga ba ang mga pangyayari na nag-iwan ng malaking marka sa kanilang mga karera? May mga bagay nga ba silang pinagsisisihang nagawa o hindi nagawa? Sa pagpasok ng taong 2013, ano nga ba ang mga bagay na ipinapangako nilang gawin at baguhin sa kanilang mga sarili?

Tampok din sa year-end special sina Arvin Dauz, Liane Liwanag, Vernette Arellano, Maribel Bautista, Santy Layno, Api Navarro, Chit Angelo, Jing Monis, Alon Dela Rosa, Milagros Maagalang, Geolete Esguerra, Suzette Antonio, at Cha at Anton Achacoso.

Show comments