^

Pang Movies

Karelasyong pulitiko ng sexy actress pati mga bakla pinagseselosan!

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagpasok ng bagong taon ay gusto nang kumawala ng sexy actress sa politician na may hawak sa kanya. Ilang taon na rin siyang hawak  pero hindi naman daw siya malaya na gawin ang mga gusto niya.

Ang hindi pa gusto ng mga kaibigan ng sexy actress sa karelasyong politician ay ang mga masasakit na sinasabi nito kapag nagseselos sa mga nakaka­trabaho ni sexy actress.

“Verbal abuse ang natatanggap niya kapag nalalaman na may nakakasama siyang mga lalaki. Kahit na trabaho iyon, sobra pa rin magselos.

“Kahit nga bakla pinagseselosan. Grabe ang lalaking ‘yan. Katuwiran nito na lalaki pa rin daw ang bakla! Weird siya,’ di ba?” say ng aming source.

Ipinagpalit ng sexy actress ang dapat na maayos na career pero binitawan niya ang lahat dahil sa pag-ibig. Dedma siya sa mga offer dahil na-in love siya ng bongga.

Pero ang inakala ng marami na binata ang lala­king sinamahan niya ay may ibang pamilya pala sa ibang bansa.

Kuwento pa ng source, “Nakilala na nga ni sexy actress ang pamilya. Ipinakilala siya ng dyowa niyang politician. Bilib nga ako sa tapang ng babaeng ‘yan. Pumayag siya na gawin sa kanya iyon ng lalaki. Luka-luka!”

Ngayon ay nais nang kumawala ng sexy actress dahil hindi na niya kaya ang mga ginagawa sa kanya ng politician. Gusto na niyang maging malaya ulit.

“Magsimula na sana siya ulit. Hindi pa naman huli ang lahat. Sana naging matalino siya at naipon niya ang mga bigay na datung ng lalaki niya. Para hindi siya purdoy kapag kumalas siya next year,” komento pa ng aming source.

Ryzza Mae natupad na ang masaganang noche buena, second hand car ang sunod na wish

Hindi na mapigilan ang pagsikat ni Ryzza Mae Dizon. Dahil sa biglang pagsikat nito sa Eat Bulaga, sunud-sunod ang mga raket nito pero never nagreklamo ang bagets. Para kasi sa bata ay laro lang ang lahat at gustung-gusto niya na maraming tao ang natutuwa sa kanya.

Kaya hindi kataka-takang kunin siya para gumanap na Chichay, ang makulit na duwende sa Metro Manila Film Festival entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako.

 Nitong nakaraang Pasko ay bongga na ang noche buena ng pamilya ni Ryzza Mae dahil sa sunud-sunod na kinita nito. Nakaranas na sila ng isang masaganang Pasko unlike noong mga nakaraan na nagkakasya sila sa anumang mabili nila.

Wish ni Ryzza Mae na makabili na sila ng sasak­yan kahit second hand lang para magamit nila sa pagpunta sa mga raket niya.

Ngayon kasi ay gumagamit ng service mula sa TAPE, Inc. ang Little Miss Philippines 2012 o nagko-commute pa sila papunta sa mga raket.

Hannah Montana naaaliw sa sex objects!

Ipinagmalaki ni Miley Cyrus ang sex doll na kanyang natanggap noong Pasko mula sa kanyang fiancé na si Liam Hemsworth. Sa Twitter ipinakita ang manika at isinakay pa niya sa kanyang kotse.

Mahilig sa mga joke gifts ang singer-actress kaya enjoy siya sa natanggap niyang sex doll. Noong nakaraang birthday naman niya ay may nagregalo sa kanya ng isang cake na ang hugis ay sex organ ng lalaki. Ikinatuwa ito ng dating Hannah Montana star at siya pa ang naghiwa nito para makain.

vuukle comment

ACTRESS

EAT BULAGA

HANNAH MONTANA

KAHIT

NIYA

PASKO

RYZZA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with