Sexy star mangmang pa rin sa aktingan!

Walang chance na magtagal sa showbiz ang isang sexy star dahil hanggang ngayon, hindi siya marunong umarte.

Sa true lang, walang kabuhay-buhay ang acting ng hitad sa pelikula na pinagbidahan niya. Nasayang lang ang kanyang participation at role na puwedeng gampanan ng mga mas mahuhusay at magagandang aktres. It’s about time na mag-isip na ng ibang career ang sexy star dahil wala sa personalidad niya ang magtatagal sa showbiz.

Jillian Ward hindi pinagsalita sa pelikula

May nagkuwento sa akin na hindi na pinapunta si Jillian Ward sa premiere night ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako. May kinalaman kaya ang tsismis na walang linya si Jillian sa pelikula kaya hindi na siya umapir sa premiere night?

Malalaman natin ang tumpak na kasagutan dahil mag-iimbestiga ako sa tunay na rason ng no-show ni Jillian sa premiere night ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.

Dominic at Felix galit pa rin sa amang si Bembol kahit pasko na

Nakakalungkot naman ang nangyari sa relasyon ng mag-aamang Bembol, Dominic, at Felix Roco.

Matagal na palang hindi nag-uusap ang tatlo at malalim ang pinagmumulan ng galit nina Dominic at Felix sa kanilang ama.

Kambal sina Dominic at Felix. Twenty three years old na sila kaya may sarili na silang pag-iisip. Mukhang hindi na sila makikinig sa mga payo sa kanila na patawarin na si Bembol dahil sa mga pagkukulang nito.

Napag-usapan ang sigalot ng tatlo dahil sa mga naging sagot ni Dominic nang tanungin ito tungkol kay Bembol. Nagpakatotoo si Dominic dahil sinabi niya sa press ang real score.

Idinagdag ni Dominic na nakatulong ang problema para mapagbuti niya ang pag-arte. Nagagamit daw niya sa mga eksena ang kanyang mga angst laban kay Bembol.

Happy birthday LT!

Bukas ang 51st birthday ni Lorna Tolentino at invited ako sa kanyang birthday dinner pero dahil Linggo hindi ako makakarating.

Understanding na babae si LT. Alam niya na hindi ako lumalabas ng bahay tuwing Linggo kaya maiintindihan niya ang hindi ko pagpunta bukas.

In fairness to me, nagpunta ako sa farm ni LT nang mag-celebrate siya ng 50th birthday noong 2011. May kala­yuan ang farm na sosyal na sosyal ang ambience pero pinuntahan ko dahil sa love ko kay Lorna. Happy birthday LT!

Sen. Jinggoy magpaparamdam ng pagmamahal

Maraming salamat kay Sen. Jing­goy Estrada dahil kasama ako sa selected few na inimbitahan niya sa kanyang thanks­giving party.

Hindi ko na sasabihin kung kailan at saan ang venue ng Christmas party para hindi madagdagan ang bitterness ng mga hindi pinalad na maimbita. Tulad ng ginagawa sa akin ni Papa Miguel Belmonte, ipinaramdam sa akin ni Papa Jinggoy ang kanyang pagmamahal ngayong Kapaskuhan.

 

Show comments