Bela malaki ang pasasalamat sa pamimiga ni Gina
Maraming natutunan si Bela Padilla sa pagdirek sa kanya ni Gina Alajar sa pinagbibidahan niyang afternoon drama series na Magdalena. Noong una ay inamin niya namang nahirapan siyang ma-grasp ang role ng bida dahil marami siyang hindi pa nae-experience na mga bagay-bagay na pinagdaraanan ng character sa istorya.
Pero hindi tumigil si Direk Gina sa pagpiga sa kanya hanggang makuha na nga ang acting na gusto niya.
“I learned to embrace the character of Magdalena. Sabi nga ni Direk Gina, I have to be Magdalena — kailangan ma-embody ko ng buung-buo ang role na Magdalena and not the other way around.
“Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Direk Gina dahil hindi siya nag-give up sa akin. Talagang nagtiyaga siyang maturuan ako,” sabi ni Bela.
Thankful ang aktres dahil gumaganda na ang ratings ng Magdalena at hindi na ito nahuhuli sa dalawa pang top-rating afternoon series ng GMA Afternoon Prime na Yesterday’s Bride at Sana ay Ikaw na Nga.
Sa TV lang kasi nanonood dati Yassi Pressman excited nang makasama sa parada ng MMFF
Happy si Yassi Pressman dahil nakasama siya sa 38th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.
Gaganap siya bilang Winged Horse Sol na isa sa mga kasama ni Judy Ann Santos na gumaganap bilang si AKO o Angelina Kalinisan Orteza.
“Kami ni Sweet (John Lapus) ang makukulit na mga diwata na kaibigan ni Ate Juday. Gusto kasi ni Ate Juday na makasama sa tandem nina Agimat (Sen. Bong Revilla, Jr.) at Enteng Kabisote (Vic Sotto). Kaya tinutulungan namin siya na maging close sa dalawa,” sabi ni Yassi.
First time lang na magkaroon ng pelikula sa MMFF si Yassi kaya excited siyang makasama sa Parade of Stars sa Dec. 23. Wala pa kasi siya sa showbiz ay napapanood na niya sa TV ang parada.
“Ngayon makakasama na ako. Nakaka-excite kasi never kong naisip na I would be part of this very big movie project na bida sina Bong, Vic, at Juday,” ngiti pa niya.
May tinatapos pang indie film si Yassi na Kaleidoscope at kasama sa cast si Sef Cadayona. Tungkol sa pagsasayaw ang naturang indie film na siyang expertise ni Yassi.
Napapanood din si Yassi bilang kontrabida naman ni Bea Binene sa morning series ng GMA 7 na Cielo de Angelina. Inamin ni Yassi na enjoy siyang gumanap na kontrabida after niyang gawin ito noon sa Luna Blanca.
Kahit tinalo ng bata sa award Gabby naaliw sa experience na nakilala ang Asian TV stars
Hindi man nanalo si Gabby Eigenmann sa Asian Television Awards na na-nominate siya bilang best supporting actor para sa Munting Heredera, nagpapasalamat pa rin siya dahil sa magandang experience na kanyang nakuha sa pagdalo sa naturang awards night sa Singapore.
Inamin naman ni Gabby na wala siyang expectations at gusto lang niyang i-enjoy ang moment na makasama niya ang ibang mga kilalang television stars ng iba’t ibang bansa ng Asia.
Ang nanalo sa category ni Gabby ay ang batang si Lucas Luo na bida sa Taiwanese series na Man-Boy.
“Siya lang ‘yung bata sa nominees sa category na best supporting actor. The rest kasing edad ko or older. I heard nga na magaling daw ‘yung bata talaga kaya deserving naman daw.
“Ako naman I went there for the experience. You are not nominated in this kind of award everyday, ‘di ba? Kaya kahit hindi ako pinalad, I am still thankful for the nomination,” sabi ng Kapuso actor.
Isa pa sa pinapasalamat ni Gabby ay ang patuloy na pagtaas ng ratings ng Sana ay Ikaw Na Nga. Extended sila hanggang February kaya patuloy ang mga exciting na mga eksena kasama sina Mikael Daez at Andrea Torres.
- Latest