^

Pang Movies

Urong sa suntukan: Robin naduwag kay Bimby!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Instead na magalit o magdamdam sa hamon ng batang si Bimby na magsuntukan sila ni Robin Padilla dahil nagalit daw ang bagets sa kissing scene ng action star kay Kris Aquino sa upcoming series nila, Kailangan Kita, nakatawang sinabi ni Robin na ’di lang siya na-amuse kay Bimby kung hindi hinangaan niya ang bata dahil daw sa ipinakitang grabeng pagmamalasakit at pagmamahal nito sa ina.

Masuwerte raw si Kris at may tagapagtanggol siya na anak na si Bimby who is turning five pa lamang on April 9.

Wala ba si Robin na balak paliwanagan si Bimby na part of their work as actors ang ginawang kissing scene nila ni Kris sa serye?

Natatawang muli, sagot ni Robin: ‘‘Magpaliwanag man ako sa kanya, ’di niya ako maiintindihan. Napakabata pa niya. Iiwan ko na ang tungkol diyan kay Kris. Mas kilala niya ang kanyang anak kesa sinuman sa atin.’’

Sharon etsapuwera rin sa Christmas Station ID ng Kapatid

Tanong lang, Salve A. May story kaya behind Sharon Cuneta’s non-inclusion sa Christmas Station ID ng TV5 na ngayon ay constantly nang lumabas na sa small screen?

Kusa kayang ayaw mapasama ni Sharon, sa itinuturing na ‘‘faces’’ ng Kapatid Network. If so, why o why?

Totoo nga kaya na dinamdam talaga ni Sharon ang desisyon ng TV5 na ilipat sa Broadway Centrum sa Aurora Blvd., Quezon City ang taping ng kanyang programang series, Sharon Kasama Mo, Kapatid dahil ookupahan na ng bagong bihis kumbaga na show ni Willie Revillame ang dating ‘‘studio’’ niya sa Delta Theater (sa QC din)?

Diumano’y magkakaroon na rin ng bagong titulo ang game program ni Willie (‘di na Wiltime Bigtime) and, as everyone knows by now, bagong timeslot.

Well, do we expect Sharon’s show na palitan na rin ang titulo na Sharon, Kasama Mo, Kapatid ng Sharon: ’Di Na Tayo Sama, Kapatid.

O, tanong lang ’yan, Salve A.

Star Magic talents umaapaw sa MMFF entries

It will be a truly merry Christmas for the Star Magic talents na may pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Not only because magandang exposure ang magkaroon ng pelikula sa MMFF kung hindi karamihan sa kanila will for the first time be joining the Parade of Stars. And that, no doubt, will be a tremendous experience for them.

Unahin natin si Empress na mismong ang direktor ng Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion, ang sole entry ng Regal Entertainment, Inc., na si Chito Roño ang may sabing impressive siya sa kanyang role sa pelikula.

Other talents ng Star Magic in SRR I4 are Dimples Romana and Ivan Dorscher.

May three episodes ito: Pamana, Unwanted, at Lost Command.

These Empress, Dimples, at Ivan are in Pamana which topbills Janice de Belen, Quezon City Mayor Herbert Bautista, and Arlene Muhlach.

Nasa episode naman na Lost Command sina Paulo Avelino, Alex Castro, Ella Cruz, at Carlo Aquino.

Nasa Sisterakas, starring Kris Aquino, Vice Ganda, at AiAi delas Alas, sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Xyriel Manabat, na pawang Star Magic talents all din.

Sa One More Try naman, mga pangunahing artista sina Angelica Pa­nganiban at Zanjoe Marudo, together with Dingdong Dantes at Angel Locsin.

Sa Agimat, Si Enteng at Si Ako, tampok naman si John Lapus. In The Strangers, mga bida ng pelikula sina Enchong Dee, Julia Montes, Enrique Gil, at Nico Antonio who are all proud to be Star Magic talents.

 

ALEX CASTRO

BIMBY

CHRISTMAS STATION

KAPATID

KRIS AQUINO

LOST COMMAND

SALVE A

SHARON

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with