Sharon masama ang loob sa pagpapalit ng studio
’Di na nga raw talaga magte-taping si Sharon Cuneta for her show Sharon, Kasama Mo, Kapatid sa former studio niya sa Delta Theater sa Quezon City which is currently being renovated to accommodate Willie Revillame’s show which will assume a new title (no longer Wiltime Bigtime) starting Jan. 5.
Willie’s show will, likewise, occupy a new timeslot, 12 noon na. Kaya head-on na muli ang labanan nila ng Eat Bulaga.
Na apparently ay ’di naman ikinatitinag ng Eat Bulaga, considered na pinakamatagal na nootime show on local TV.
Kaya next year sa bagong studio na sa Broadway, QC, na assigned ng TV5, magte-tape si Shawie ng kanyang Sharon, Kasama Mo Kapatid.
Likewise, the game cum musical show Game ’N Go, hosted by Edu Manzano, Joey de Leon, and Shalani Soledad-Romulo, will start airing na also in a studio assigned by the Kapatid Network, sa Broadway din. Yes, starting next year.
Tanong lang, Salve A., how true na ang pagbabagong ito na may kinalaman sa kanyang show ay ikinasama ng loob ni Sharon?
Bong at Lani mahigpit ang bilin kay Gianna
Ini-expect na magiging mahigpit si Sen. Bong Revilla, Jr. sa kanyang 15 years old na anak na si Gianna Revilla na ngayon ay nag-aartista na rin. She is in the cast of the new teenage show Teen Gen that will start airing in January on GMA 7.
As it is, ini-impose na reportedly ni Sen. Bong kay Gianna ang strict policy niya na huwag itong magpaligaw.
Eh ang ganda nga naman ni Gianna. And, at 15, seksi na ang kanyang dating.
On the other hand naman, tanging pangaral ni Bacoor Congresswoman Lani Mercado sa anak is to just enjoy what she is doing. In fact, kaya nga raw pumayag sila ng asawa na pasukin ng bagets ang showbiz ay dahil gusto nga ng anak.
Pakiusap lang niya kay Gianna, huwag pabayaan ang pag-aaral.
Do you know how old si Rep. Lani when she married Sen. Bong? Seventeen going on 18.
At 18, ina na siya kay Bryan Revilla.
Si Bryan ang tumatayong chief of staff ni Lani sa kanyang office sa Congress. Nagtapos ang panganay na anak sa De La Salle University.
GMA hindi lang kinagat sa presyong gusto?
Is it true that willing sana ang GMA 7 management to sell the network but for a price na, kung wawariin mo, ay ayaw na ipagbili?
But if the buyer ay kumagat sa presyong kanilang hinihingi, well, baka nagkabilihan nga.
As it is, GMA claims, they are the No. 1 station in the country based sa ratings ng kilalang survey group daw.
Direk Jerry hahawakan ang bagong serye nina Carmina at Vina
Si Direk Jerry Sineneng pala ang magdidirek ng upcoming series na may titulong May Isang Pangarap na pangungunahan nina Carmina Villarroel, Vina Morales, at Valerie Concepcion, among others.
Two young child talents, according to Direk Jerry, will be introduced in the series.
Si Direk Jerry ang nagdirek ng Walang Hanggan which enjoyed an unprecedented high ratings hanggang sa magtapos ito in early November this year.
Manay Ichu nag-party ng maaga sa birthday
Ichu Maceda, otherwise known in showbiz circle as Manay Ichu or simply Manay, will turn 70 on Dec. 23.
Ganun man, a party was organized in her honor agad by some of her closest friends such as Mother Lily Monteverde, Shirley Kuan, Dolor Guevarra, Malou Choa Fagar, Girlie Rodis, Danny Dolor, Ronald Constantino, June Rufino, Dolor Guevarra, Susan Roces and daughter Grace Poe-Llamanzares, and balikbayan movie writer Baby Jimenez (now based in Canada).
The gathering was held recently at the unit of Lawrence Tan at the Renaissance Tower Condo in Ortigas, Pasig City.
Talagang that night, masasabing food literally flowed. Comment nga ni Mother Lily: “Wala kang itulak kaibigan sa mga pagkaing inihanda. Gustong mong tikman lahat. “I’ve never felt so full.”
Mother Lily, who just arrived from a 20-day cruise to New Zealand, said she has but one film entry in this year’s MMFF, Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion. But next year daw, she will make sure she’ll have more entries.
Right now, she revealed, she has two upcoming movies, one of which will serve as the comeback of ace director Peque Gallaga.
Direktor at mga sosyalera hirap ihabol ang pelikula sa MMFF
Is it true that a possible entry to this year’s MMFF ay namomroblema na ’di matatapos ang pelikula before its showing on Dec. 25?
Sayang naman since it would mark the directional debut for a movie of a kilalang magaling na direktor in TV.
Sayang din daw lalo, anang nagbalita sa amin, dahil magagaling pa naman ang mga artistang bumubuo ng pelikula bukod sa they all look sosyalera.
Let’s keep our fingers crossed, though, na mali ang balitang nasagap namin.
- Latest