^

Pang Movies

Janine Tugonon hinangaan sa Q&A ng Miss Universe­

MASARAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Hinangaan ang lahok ng bansa sa 2012 Miss Universe na si Bb. Pilipinas Janine Tugonon sa question and answer portion na ipinalabas sa online part ng pageant. Sa Dec. 19 ang finals ng contest at coronation night.

Ngayon pa lang marami na ang nagsasabing beauty expert na malakas ang laban ng morenang Pinay. Dalawa pa lang Miss Universe crown ang napanalunan natin mula kina Miss Universe 1969 Gloria Diaz and Miss Universe 1973 Margie Moran.

Movie ni Eugene gustong ipapanood sa mga French

Nag-uwing muli ng karangalan sa bansa si Eugene Domingo nang magwaging best actress sa 3rd Pau International Film Festival sa France para sa Ang Babae sa Septic Tank. Ka-tie niya ang isang Russian actress para sa award.

Ang intention ng Pau filmfest, magpakilala ng politically engaged films to the French audience. Na­kipaglaban ang Septic Tank sa entries from Romania, Japan, Ukrain, at Sweden-Denmark.

Una nang nanalo ng People’s Choice best actress award sa 6th Asian Films Awards sa ginanap na Hong Kong si Domingo for the same film.

Young actor buking na sa pagdadamo, pamilya kilalang user din

Kahit kitang-kita ng mga kasama niya sa isang provincial show ang young actor na nagdadamo sa backstage, hindi sila nagulat.

Galing kasi ang aktor sa isang pamilyang noon pa nababalitang mga marijuana user.

Matagal kasing naghintay bago nagsimula ang palabas kaya’t napilitang libangin ang kanyang sarili ng emerging matinee idol. Kaya naman noong tinawag na siya for his number, halatang batung-bato na ang artista. Nag-laughing trip na on stage.

Starlet wini-wish na maging legal na ang marijuana sa ’Pinas

Sa ating bansa ay halos hayagan na ang paghithit ng joint. Pati isang starlet, madalas ma-sight na nagdadamo sa mahahabang shooting breaks.

Vocal nga siya na sana ay naging legal ang ma­ri­juana sa ating bansa tulad nang nagyari sa ibang states ng USA.

Writer-critic hindi maintindihan ang gustong reaksiyon sa obra ni Direk Brillante

Isang katabi naming mataray na columnist, hindi alam kung iiyak, papalakpak o titili, habang nanonood ng Thy Womb. Konti lang kami sa isang private preview room ni Director Brillante Mendoza kaya’t kitang-kita ang mga kilos ng lahat.

Maya-maya, bigla na lang tumayo ang supladang writer at pumalakpak ng malakas. Meron naman siyang nakasabay upang bigyan ng applause si La Aunor at Direk Mendoza, kahit hindi pa tapos ang palabas.

Bossing Vic umaming taken for granted

Para kay Vic Sotto, higit na nagiging sexy ang isang babae kapag maganda ang ugali. Tiyak mabait at mapagmahal si Pauleen Luna.

Tinanong si Bossing kung siya ay taken na. Agad na sagot niya, “ I am always taken…for granted.”

Kris pinapalobo ni Carl, tinatambaKan sa bahay ng masasarap na pagkain

Pati pala parents and kapatid ni Kris Bernal, nililigawan ni Carl Guevarra. Isa pang na-appreciate ng young actress, ang pagdadala ng masasarap na pagkain ni Carl sa bahay ng mga Bernal.

Humanda ka, Carl. Kapag naging overweight si Kris Bernal, baka ikaw naman ang sisihin. ’Di bale, baka higit maging successful ang aktres bilang isang comedienne kapag naging Basha (mataba siya) na.

Ariel tahimik sa annulment kay Cristina, hatian ng ari-arian wala ring balita

Marami ang nagtatanong kung nagkaroon ng paghahati ng assets sina Ariel Villasanta at Cristina Decena nang maghiwalay. Napabalita noon na sila’y ikinasal, magkakaro’n pa kaya sila ng annulment proceedings?

Noong mga araw na sweet sila sa isa’t isa, madalas nilang sabihin na magpapakasal pa sila ng maraming beses sa iba’t ibang simbahan sa buong mundo. Wala namang natuloy kahit isa pang kasalan, kahit sa Sarawak.

Kung may third party sa kanilang hiwalayan, mukhang wala naman. Kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang breakup, hindi pa ipinahahayag ni Ariel.

Si Cristina naman, ibang klase ang charm. Baka bago mag-Pasko meron agad siyang bagong manliligaw. Lalo pa’t malamig na ang mga gabi.

vuukle comment

ANG BABAE

ARIEL VILLASANTA

ISANG

KRIS BERNAL

MISS UNIVERSE

SEPTIC TANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with