Si Shamcey Supsup ang napiling on-line host ng 2012 Miss Universe beauty pageant on Dec. 19 sa Planet Hollywood Resort Hotel Las Vegas Nevada.
Sa segment na ito ng contest, mapapanood ang parade of National Costumes at iba pang pre-pageant proceedings ng timpalak.
Mag-log on kayo sa official website ng Miss Universe na www.missuniverse.com. Si Janine Tugunon ang ating kinatawan sa timpalak.
PUBLICIST NG ISANG NETWORK KULANG SA SINCERITY
Nilapitan kami ng isang publicist from a network upang kumbidahin sa kanilang Christmas party. Sinabi ko agad na ang pangako nilang consolation prize na ipapadala last year, hindi pa nakarating.
Biglang sagot niya, “Bumawi ka na lang ngayon,” na para bang hindi sila muling nangangako at hihintayin pa ang donasyon ng isang rich boxer, para makapagbigay ng regalo. Ewan ko nga ba kung bakit dapat pa silang umasa sa abuloy upang makapagbigay sa showbiz press pag Pasko gayung ang press release ay bilyones ang kita nila noong 2011. How generous naman.
A few days ago, nakita na naman namin ang P.R. kaya’t inulit ang date ng party at venue. Wala raw kaming email kaya verbal na lang. Ano naman ang ginagawa ng aming cell phone? Kung hindi sincere ang pangungumbida, huwag na lang. Tutal nadala na ako sa paghihintay ng isang taon para matanggap ang pangako.
Alam naman kaya ng nag-donate na hindi nakarating sa kinauukulan ang kanyang ibinigay noon pang Christmas 2011?
Janice tambak ang trabaho
Si Janice de Belen ang busiest actress this 2012. Anim ang nagawa niyang pelikula, dalawang teledrama, bukod pa sa regular celebrity cooking/talk show niyang Spoon sa Net 28.
Simula nang maging manager niya si Popoy Caritativo ng Luminary Talent Management, nag-boom muli ang kanyang career. Nagsimulang naging popular uli si Janice nang gumanap na nanay ni Gerald Anderson sa Budoy. After that, she was already a most in-demand actress, both sa TV and movie.
Marami nang nakalinyang projects si Janice sa 2013. So she is looking forward to another fruitful year.
Marian dapat nang tantanan ng mga maka-Coco
Ayon na rin kay Marian Rivera, baka matuloy pa ang pelikulang pagtatambalan nila ni Coco Martin sa February 2013.
Sa mga fans ng aktor, tumahimik na kayo sa paninira kay Marian. Ang nakikinabang naman sa project ay si Coco. Hindi pa siya masyadong sikat sa movie at sa TV pa lang siya nagkakapangalan.
Wholesome na palabas puro kalaswaan pag off-cam na, sikat na bida nagpaparaos sa tabi-tabi lang
Akala natin wholesome ang napapanood na show sa TV. Puro kalaswaan pala ang nangyayari sa set, off-cam. Isang sikat na artista sa tabi-tabi lang nakakaraos with his partner.
Isa pang mainstay sa palabas, iba ang pinagkakaabalahan sa ilalim ng mesa, kasama ang seksing co-star!
Tila kinukunsinti sila ng bading na producer. Sabi ng mga insiders, busy din ang baklita sa loob ng bodega ng props, kapag may extra na karpintero o ibang obrero ang show.
Naku ha! Please huwag i-video ang mga nangyayari roon at baka higit na mag-rate sa publiko!
Rama hari, kinabiliban noon sa ibang bansa
Minsan nakasama kami sa CCP production ng Rama Hari, sa Mustika Malaysia. Ginanap ito sa Genting Highlands, Malaysia with all Asian countries as participants.
Bukod sa mga star ng Ballet Philippines, ang gumanap na Rama ay si Leo Valdez at Sita naman si Coco Wilwayco. Dapat si Kuh Ledesma, pero hindi siya puwede kaya’t pinalitan ng noon ay bagong singer.
Lahat ng mga pagtatanghal mula sa ibang bansa, nagmukhang amateur, dahil sa husay na mga Pinoy sa Rama Hari.
Sana mapantayan ng current cast ng Rama Hari ang mga naunang version ng stage musical.