^

Pang Movies

Nasaktan nang makahiwalay ang huling GF Rafael choosy na sa babae

SO...CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dito sa Pilipinas magpa-Pasko ang pamilya ni Rafael Rosell na manggagaling pa ng Norway.

Mas gusto raw nilang mag-Pasko rito dahil bukod sa masaya ay hindi sobrang lamig tulad daw sa Norway.

Nakilala nga naman ang Norway bilang Land of the Midnight Sun. Bihira silang makaranas ng matinding sikat ng araw at parating madilim kahit alas dose ng tanghali.

 “Unlike dito we can go out anytime and wear the clothes we want kasi tama lang ang weather.

 “Matagal na rin akong hindi nagki-Christmas sa Norway. Usually, I meet na lang my family sa Singapore or Bangkok. Somewhere na warm ang weather. Sawa na kami sa malamig na climate kasi,” napa-smile si Rafael.

Loveless ang aktor ngayon at wala pa raw siyang nakikitang puwedeng kapalit ng ex-girfriend niyang si Malaya Lewandowski. Sobrang na-heartbroken daw si Rafael kaya binibigyan pa niya ng time ang sarili niya bago siya makipagrelasyon ulit.

 “I don’t need a girlfriend now para lang maging masaya. I can have a girl anytime, but choosing the right one will not be easy.

 “Sabihin na nating choosy tayo. But that’s just me — I just want someone who will love me the same way I love them,” seryosong sabi ni Rafael.

Nagpapasalamat si Rafael na maganda ang pagtanggap sa kanya sa Temptation of Wife bilang si Nigel. Masaya siya sa paglipat niya sa GMA 7 at looking forward pa siya sa maraming projects mula sa kanyang management na Luminary Talents.

Female TV host at film director

nagkainisan nang subukang mag-date

Hindi nag-work ang sinikretong pakikipag-date ng female TV host at film director dahil marami silang hindi mapagkasunduan.

Hindi masakyan ni female TV host ang trip ng film director. Iba raw ang mga hilig nito na minsan ay ikina-turn off ng kanyang lover.

Ayon sa aming source, ilang buwan ding nag-date ang dalawa pero unti-unti raw nawala ang interes ni female TV host kay Direk dahil sa mga emote sa buhay.

“Hindi kailangan ni female TV host ng anumang emote kasi ma-emote na rin ang buhay niya. Kaya nga gusto niyang mag-date para maging masaya na siya sa buhay. Kaso mas emotero pala ang napili niyang i-date!

“Minsan daw sa isang date nila, si Direk lang daw ang talk nang talk. Puro siya ang topic kaya si female TV host, na-bore na dahil lahat na lang ng issue na personal sa kausap ay narinig na niya,” paglalahad ng source.

Through text na lang nasabi ni female TV host na itigil na lang nila ang kanilang pagkikita. Kung sa personal pa raw kasi ay baka kung ano naman daw ang ikuwento sa kanya at aantukin lang siya sa mga emote ng film director.

Kate Middleton hirap na hirap sa ipinagbubuntis

Nagdiriwang ngayon ang British royalty dahil sa kumpirmadong pagbubuntis ng Duchess of Cambridge na si Kate Middleton.

Ito ang widely anticipated pregnancy since napabalitang buntis si Princess Diana noong 1981 sa panganay nila ni Prince Charles na si Prince William na siyang mister ni Kate.

Nakakaranas na si Kate ng severe form of morning sickness at ngayon ay nasa London, England hospital ito kasama si Prince William.

Marami ang nagpadala ng kanilang congratulations sa mag-asawa at naka-hashtag pa ang “royal­baby” sa Twitter na siyang nag-trend globally.

Ang magiging anak ng young royal couple ay magiging third in line sa trono, maging lalaki man ito or babae.

Naospital si Kate dahil sa hyperemesis gravidarum, isang napakadelikadong uri ng morning sickness na grabe ang pagsusuka at walang pagkain o inumin na naiiwan sa tiyan.

 “It’s not unusual for pregnant women to get mor­ning sickness, but when it gets to the point where you’re dehydrated, losing weight or vomiting so much you begin to build up (toxic) products in your blood, that’s a concern,” sabi ni Dr. Kecia Gaither, director of maternal fetal medicine at Brookdale University and Medical Center in New York.

 

vuukle comment

BROOKDALE UNIVERSITY AND MEDICAL CENTER

DIREK

DR. KECIA GAITHER

DUCHESS OF CAMBRIDGE

KATE

KATE MIDDLETON

LANG

PRINCE WILLIAM

RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with