^

Pang Movies

Ayaw na talagang makatrabaho ng tatlong network? Claudine jobless ngayong Pasko

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Magpa-Pasko naman saka kumalat ang malungkot na balitang ayaw nang kunin ng mga TV network si Claudine Barretto.

Kung tsismis lang ito, sana visible na ang aktres ngayon sa rami ng teledramang ginagawa ng tatlong major TV stations.

Vic Sotto ngayon lang nakakabiruan si Sen. Bong

“Palagi naman akong masaya,” natatawa pang sagot ni Vic Sotto sa mga nangungulit tungkol kay Pauleen Luna sa presscon ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO.

“Mas masaya nga lang ako ngayon.”

Kunwari pa’y inisip kung sinu-sino ang mga dumadalaw sa kanya sa shooting ng 2012 Metro Manila Film Festival entry. Kaya nabaling agad ang usapan tungkol sa pelikula.

“Agad namang akma ang unang tambalan namin ni Sen. Bong Revilla, Jr.,” balik-tanaw ni Bossing. “Higit na gamay namin ang isa’t isa ngayon, nakakapagkuwentuhan at nagbibiruan na kami sa set ngayon.”

Puring-puri ni Bossing Vic si Judy Ann Santos na first time ngayong nakasama sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO.

Sabi pa ni Bossing, tunay na mahusay at versatile na aktres si Juday. Mahusay sa drama at very comfortable rin sa comedy. At hindi umuurong kapag sinabak sa action.

Sa kuwento ni Bossing, may hawak ding talisman (o agimat) si Juday bilang Reyna ng Kalikasan o isang engkantada.

Napansin sa mga ipinalabas na trailers na pulido ang mga special effects. Ayon kay Bossing Vic, ang mga eksenang kailangan ang FX ang una nilang kinunan.

“July pa lang, nag-shooting na kami para sa mahihirap na sequence. Mahirap kasing mag-special effects at hindi puwedeng madaliin,” sabi niya.

Very proud pa si Bossing na lahat ng gumawa ng special effects sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO ay pawang mga Pinoy expert na sa larangang ito at tunay na world class ang mga talent.

Nagkaroon pa ng kontrobersiyal tungkol sa poster ng movie. May picture kasi sa poster ang child actress na si Ryzza Mae Dizon pero si Jillian Ward litrato lang. Tiyak nagreklamo na ang nanay ni Jillian.

Nangako naman si Bossing na aayusin niya ang pagpapalagay ng photo ni Jillian sa poster. Diretso namang sinabi niya na higit na mahaba ang role ni Ryzza Mae sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO.

Vilma Santos tuloy na ang pagsabak sa Cinemalaya filmfest

December 2012 pa lang ay inaabangan na ang head-on collision sa box office at labanan sa best actress award nina Nora Aunor at Vilma Santos.

Balita kasing tinanggap na ni Santos ang lead role sa pelikulang lahok ni Jeffrey Jeturian sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Ang Superstar naman, noon pa nabalitang gaganap sa lahok ni Joel Lamangan sa Director’s Showcase ng nasabing fimfest.

Bintang ng mga Noranian, kaya biglang pumayag na mag-indie film ang gobernadora ng Batangas ay dahil sa marami nang karangalang napanalunan si La Aunor for Thy Womb. Ang masasabi ko lang, huwag naman kayong agad na maghusga. Maaaring may ibang valid reason ang aktres na tinatakan ninyong consistently poor second sa inyong idolo.

Pawang mabibigat ang mga papel ng dalawa sa Cinemalaya entries. Kaya expected na magkakasagupa sila sa best actress derby. Naku, maaga pa upang umasa agad ang dalawang pangkat ng fans. Kapag Cinemalaya kasi, mga mahuhusay na artista ang mga bida sa mga entry. Baka magulat pa kayo kung hindi silang dalawa ang magwagi!

Starlet handang ipagpalit ang career sa aktor na may iba namang nirarasyunan!

Handang ipagpalit ng isang startlet ang kanyang career para sa pag-ibig niya sa isang poging aktor. Reklamo kasi ng mga kasamahan niya, lahat ng kanyang showbiz engagements ayaw niyang puntahan kapag gusto nang kanyang lover na magkulong na lang sila sa kanilang lovenest!

Tiyak na higit siyang maloloka sa labis na pagmamahal, kapag nalaman niyang hindi lang siya ang nirarasyunan ni pogi.

ANG SUPERSTAR

BONG REVILLA

BOSSING

BOSSING VIC

ENTENG KABISOTE

LANG

SI AGIMAT

VIC SOTTO

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with